I
ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo.
Sa dinami dami ng mga alaala noong mga panahon na meron pang "tayo."
Mensahe ko sayo'y idadaan nalang dito.
Dahil gusto ko nang makalaya sa nararamdamang ito.
IISa bawat araw nais kong makalimutan ka.
napakasakit malaman na mas napapasaya ka ng iba.
Dahil alam kong Hindi mo naman makita aking halaga
kahit anong gawin ko Hindi ko na maibabalik pagsasama nating dalawa.
IIIHindi ko naman siya kayang pantayan
dahil sa Una palang ako na ang talunan.
Hindi na kita dapat ipaglaban
dahil alam ko namang parehas na kayo ng nararamdaman.
IVMa's mabait sya, mas maganda at mas matalino
Matangkad, may talento at maraming nagkakagusto.
Kaya pala patay na Patay ka sakanya ng husto
nandito naman ako, pero siya padin ang hinahanap mo.
VAkala ko, tayo ang bida sa pelikula.
Yun pala, ako ang kontrabida sa inyong dalawa.
akala ko, tungkol saatin ang istorya.
Mali ako, akala ko lang pala.VI
Patuloy pa rin akong nasasaktan
At Patuloy pa ring nagbubulagbulagan
Dahil Hindi ko pa rin matanggap iyong paglisan.
Patawad Mahal, akoy nakakapit pa rin sa nakaraan.VII
Patawad sa mga nagawa kong kasalanan.
Patawad dahil hindi pa rin kita mapakawalan.
Patawad sa aking mga kakulangan.
Patawad dahil Hindi na kita kayang ipaglaban.VIII
tama nga sila, ako'y isang tanga
Wala akong magagawa, 'minahal kita'
Kaya oras na para ilipat ito sa ibang pahina.
Ito na rin ang pagkakataon na gumawa ng panibagong tulaIX
Pipilitin kong maging manhid kagaya mo.
panahon na para Isara ang libro
Dito ko na tinatapos ang kwento.
Kaya Mahal, Ito na ang huling tula na isinulat ko para sayo.•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Hindi ko na sya ginawang 10 Wala na akong maisip HAHAHA xD And ang hirap din magisip pag gutom ka. pero thank u nga pla sa mga nagbasa aabot na ng 3k reads♥
-leileah_
BINABASA MO ANG
Poems
Poesiaibat ibang klase ng tula, pero mostly po about love sya. I'm sorry kung yung iba medyo corny, matagal ko na po kase yun ginawa. Basahin nyo po Sana :) All rights reserved © leileah_