'Bitaw na' ang sabi ng karamihan.
Bumitaw nalang daw para di na masaktan.
Bumitaw nalang daw kapag di mo na kayang ipaglaban.
Bumitaw na lang daw dahil sa huli dun din naman ang patutunguhan.Sana sa Simula palang nakapaghanda na ako.
Sana nalaman ko man lang na relasyon nati'y magbabago.
Nabalaan ko Sana ang sarili ko.
Na umiwas, dahil sakit lang ang idudulot nito.Sinabihan ko na dati tong puso ko.
Na huwag na huwag mahuhulog sa maling tao
Na huwag maging malapit sa kahit sino.
Na huwag maniniwala sa mga pangakong di naman totoo.Lumipas ang ilang buwan kasama kita sa kalungkutan at kasiyahan.
Doon ko napagtanto na may mabuti ka naman palang kalooban.
Na pwede ka naman palang pagkatiwalaan.
At maging isang matalik ko na kaibigan.Hanggang sa unti unti na tayong naging malapit sa isat isa.
Halos araw araw kausap ka.
Bago matulog at paggising sa umaga.Ikaw palagi ang naalala.Akoy sirang sira at Hindi na kayang ayusin pa.
Lahat ng makakaya, ay ibinigay ko na.
di pa pala ako sapat kaya naghanap ka ng iba.
At iniwan ako sa ere na nagiisa.Hindi dapat ako nagsasayang ng luha sa taong kagaya mo.
Pero Bakit ganon kahit anong gawin ko
Patuloy at patuloy akong bumabalik sayo.
Patuloy parin na nagmamahal sa isang taong katulad mo.Na Hindi kayang makita ang aking halaga
Na Hindi kayang marinig ang tinitibok ng aking puso na sinisigaw ang pangalan mo sinta.
Na hindi kayang Maramdaman na sobrang mahal kita.Patawad sa lahat ng aking mga kakulangan.
Patawad dahil Hindi ako naging mabuting kasintahan
Patawad dahil Hindi ko sya kayang pantayan.
Patawad dahil kahit anong gawin ko Hindi pa din kita mabitawan.Wag kang magalala mahal ayos lang ako.
ganito man palagi eh, ako palagi ang talo.
Masayang masaya ako para sainyo.
alagaan ka Sana nya katulad ng pagaalaga ko sayo.Ako nalang ang nakakapit sa ating dalawa.
Sa mga pangarap natin, paalam na.
Salamat sa mga iniwang alaala sinta.
hanggang dito nalang lahat, akoy bumibitaw na.
BINABASA MO ANG
Poems
Poetryibat ibang klase ng tula, pero mostly po about love sya. I'm sorry kung yung iba medyo corny, matagal ko na po kase yun ginawa. Basahin nyo po Sana :) All rights reserved © leileah_