7:00 am na ! Nagring na yung bell, kakadating ko pa lang. Sana late yung adviser namin para iwas sermon. Nadadaanan talaga papasok ng highschool building ang College building, naalala ko tuloy yung calcu ko na hiniram ni Kuya Justin. Kailan niya kaya ibabalik? Ibabalik niya pa ba? Hmm, Teka ! Late na pala talaga ako! Kumaripas na ako ng takbo, binuksan ko na agad yung pintuan ng room namin and gladly wala pa si Maam Sebastian ! Yes ! Iwas sermon .
Dahil sa wala ngang Teacher, napakaingay namin. May kumakanta, may naggigitara at walang tigil na daldalan namin maririnig mo.
May pumasok na teacher ..
"Ano ba St. Matthew? Ang iingay niyo !"
Kilala ko siya eh . Ah tama ! Si Maam Esconde ! Siya yung adviser dati ni Kuya Justin noong 4th year pa siya.
Natatandaan ko siya kasi… ganito yan,,
*FLASHBACK*
Nasa may room ako nila Kuya Justin , mataas yung bintana nila, e kinapos ako sa height. Ede todo silip , nakatingkayad pa ako noon. Trying hard makasilay lang .
Habang sumisilip..
"Ate? What are you doing there? " mataray na pagkakasabi nung teacher sa likod ko. Ako siyempre natameme.
"Hindi mo ba alam na hindi kayo pwede dito? May exam ang 4th year ngayon. Hindi ba kayo nasabihan ? "
Ang sungit niya super! Tumatak tuloy sa isip ko ,, tumatak sa isip ko si maam ESCONDE.
*END OF FLASHBACK*
"Go back to your proper seat ! " ayan ang sabi niya.
Nagsisunod na kami dahil nakakatakot talaga siya.
Dumating na yung teacher namin ,
"Maam Esconde , Sorry po. Pagbabawalan ko na lang mga anak ko." Sabi ni Maam Sebastian kay maam Esconde.
Naku po ! Walang humpay na banat at sermon aabutin namin nyan pero nagulat ako at nasisiguro kong pati mga kaklase ko nagulat din , ang sabi niya:
"Wag niyo ng gagawin yun ha? Ok kunin niyo na yung notebook niyo magtake down notes kayo habang nagdidiscuss ako." Malumanay niyang sinabi yun na para bang Kinder 1 ang kinakausap niya at nagstart na siya magdiscuss,
Ever since, nakakaantok ang English para saakin kaya nagddrawing and lettering na lang ako sa likod ng notebook ko.
Biglang may kumatok sa pintuan namin.
"Hello Maam Sebastian ! " sigaw nito.
"Anong kailangan mo Mr. Del Rosario? " sabi ni maam.
"Excuse po kay Sharmaine Sobrevillas? " Patanong niyang sinabi kasi halatang binasa niya lang yung nasa calcu ko .
Pumunta na ako sakanya para kunin yung calcu ko.
"Sayo to , RIGHT? " sabi nung lalaki.
"Opo." Kinuha ko na yung Calcu.
Sa loob loob ko, bakit hindi si Kuya Justin ang nagbalik?
"Pinahatid na lang ni Justin yan, may ginagawa kasi siya. Thank you daw." Sabi nung guy .
"Maam Ganda ! Thankyou po. " sabi niya kay maam tapos umalis na siya.
Bumalik na ako sa upuan ko..
"Girl ! Ang pogi niya. " Sabi ni Jai na halatang kinikilig. May pahampas pahampas effect pa siya !
Di ko maitatanggi, yeah gwapo talaga yung guy.
"Yaan mo na yun ! Makinig ka na lang kay maam." sabi ko .
"Uy girl, may sasabihin ako sayo mamaya." Sabi niya.
"Osige. " yun na lang nasabi ko.
Lumabas na si Maam Sebastian.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Novela JuvenilHindi talaga natin masisiguro kung kelan tayo SASAYA , MASASAKTAN at MAWAWALAN NG PAGASA. May mga bagay na dumadating ng hindi tayo handa Meron din namang Pinaghahandaan natin pero hindi naman dumadating . Ang gulo diba? HAHAHAHA. Yung Story na ito...