"Boooo! Hahahaha!"
biglang sulpot si Emman .
Si Emman nga pala isa sa may Crush kay Jai .
Ay hindi pala nalilink lang kay Jai.
Aso't Pusa yang dalawang yan eh . LoveTeam sa room.
"Oh umaano ka dito? " pagtataray ni Jai.
"Diba obvious? Nandito ako umiibig sayo! " Kumanta pa si Emman sa lagay na yan ! haha.
Habang naguusap sila naaninag ko na si Kuya Justin . Bakit kuya? 1st year college na siya tapos ako Grade 8 palang.
"Jaii ! " medyo napalakas na halos magtinginan lahat ng kumakain sa Canteen.
Hinatak ko na agad siya.
"Tara Sundan natin si Kuya Justin !" sabi ko.
"Ha? bakit? nasan ba? " Natatarantang sagot ni Jai habang kinukuha yung gamit niya.
"Ewan! Dumiretso siya eh. Dalian mo na!" sabi ko.
"Iiwan niyo ko? " sabat naman netong si Emman.
Hinatak na lang ni Jai si Emman . Odiba? Ang sweet ? Haha. Pero hindi ko na nagawang tuksuin sila basta ang focus ko si Justin Ko. San siya pupunta ?
Sinundan namin siya and Nagulat ako !
Sinalubong niya si Ate Kenny with matching flowers and chocolates tapos biglang tumugtog yung barkada ni Kuya Justin na tila nanghaharana. Hindi ko magalaw buong katawan ko nang makita ko yon.
Sa sobrang gulat ko nabitawan ko yung Bag ko (Yung parang sa My Husband's Lover nung nakita ni Laly si Vincent at Eric .)
As in! Tapos biglang nagsalita si Jai, "Ay? drama lang teh? " Natawa tuloy ako bigla pati si Emman natawa rin.
"Nasaktan yang kaibigan mo tapos bibiruin mo pa ! " Sabi ni Emman.
"Sanay na yan sakin. Diba? " Sabi ni Jai sabay suntok sa sikmura ko.
"Sakit ah loko! " sabi ko.
"Yung suntok o yung nakita mo? " Exact wordss ! Sabay pa silang dalawa ! NagApir tas tumawa .
Napagkakaisahan ata ako ng mga Loko-loko. Haha.
"Yung suntok! Tantanan niyo ko! Uuwi nako. " Inis ko sakanila at umalis nako, hinabol ako ni Jai
"Uy wait Lang! Sabay na tayo! "
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionHindi talaga natin masisiguro kung kelan tayo SASAYA , MASASAKTAN at MAWAWALAN NG PAGASA. May mga bagay na dumadating ng hindi tayo handa Meron din namang Pinaghahandaan natin pero hindi naman dumadating . Ang gulo diba? HAHAHAHA. Yung Story na ito...