Woah !

19 3 1
                                    

Pagdating ko sa bahay

*open Facebook*  (Yan tayo eh! )

Nakita ko picture nila, Masaya sila tapos ako ngayon nagluluksa . Hindi eh sobrang sakit kasi.

Kahit naman sabihin kong Crush ko lang yun eh di ko maitatangging nasaktan ako sa mga nakita ko.

Kung di man mapapasakin crush ko , Ok lang basta Single siya. Wala eh. Sakit talaga.

Pero Tama na ! Tara Move On. Haha.

Makalipas ang 1 week .

Nalaman ko sa Chismosa kong mga kaklase na sinagot na ni Ate Kenny si Kuya Justin kanina . School Trend sila ngayon parehas kasing sikat sa school. Ang saklap ng mga nalaman ko ngayon . Nakatadhana sila eh Yaan na. Haha.

So ngayon , nasa stage nako ng pagMomove-on. (Eto yung Mahirap eh!)

Break Time, nakatayo ako dun sa labas ng room namin na tila baga napakalalim ng iniisip! (BrokenHearted eh!)

Nagulat ako nang may biglang nagsalita sabi,

"Hello ^__^ May Calcu ka? Pwede pahiram ako? Kailangan ko kasi . "

Lumingon ako sakanya, I was very shocked when I saw na si Kuya Justin yun!

Diba nga nagmomove on ako? Bakit naman sa dinami dami ng pwede paghiraman ng calcu eh sakin pa siya nanghiram?

Sa gulat at sa hindi ko maitatangging Kilig, natulala ako sakanya.

"Meron ka? " with smile niyang sinabi ! Gusto ko na magsisigaw sa sobrang kilig! Pero kailangan Kumalma. Bawal mahalata. XD

"Meron Po. Wait Lang." Takbo agad ako sa room para kunin ang calcu ko but then nang malapit nako sakanya, nadapa ako!

"Oh eto calcu." sabi ni Carmella at inaabot kay Kuya Justin yung Calculator.

Si Carmella kasi kuya niya yung tropa ni Kuya Justin kaya close sila.

"Ay eh. May napaghiraman na ko eh. Siya. Next time na lang El." sabi ni kuya Justin sabay turo sakin. 

Pinuntahan ako ni Kuya Justin at tinulungan akong tumayo tapos inabot ko yung Calcu ko. Kinikilig ako dahil hinawakan niya kamay ko at dahil sa ako pa rin ang pinili niya ! haha ang babaw. XD

"Ok ka lang? Ah eh . Gusto mo dalin kitang Clinic? " sabi niya. Mukang nagaalala ! Yess! KiligVibes ! HAHA.

" Hindi na po ! Ok lang ako ! *tas smile*" sabi ko.

" Ah osige . Magiingat na next time ha? Thank you ulet ^__^" sabi niya. Nginitian din ako ! Talo ngiti ko dito, nakakatunaw ang ngiti niya.

"Ibabalik ko na lang sayo mamaya . Thanks Ulet. Sige Mauna na ko."

Buti na lang wala si Jai kundi kanina pa ko binwisit nun . Mabuti nang di niya malaman. Haha.  

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon