Papunta kaming Canteen ni Jai kasama si Audrey.
"Jai ! Ikwento mo na kay Maine yung nangyari kanina !" sabi ni Audrey.
"Ha? Ano yun? Kwento mo na Jai." Sabi ko.
"Haha.Wag na, Baka kiligin kapa ! " sabi ni Jai.
"Dali na .. Ano nga? " Sabi ko.
"Tanong mo kay Audrey." Sabi ni Jai
"Ha? Ayokong sakin manggaling , BESTFRIENDS kayo diba? Ikaw na magsabi ! " sabi ni Audrey.
"Bahala nga kayo kung ayaw niyong sabihin ! " sabi ko.
"Ay hindee. Eto na . " sinimulan na ni Jai ang pagkukwento.
"Nakatayo ako sa may pinto kanina , hinihintay yung mga papasok. Dumating si Emman. Hindi niya man lang ako binati. Dirediretso siya. Tinignan ko siya, binaba niya yung bag niya tapos tumungo papunta sa akin. Nagulat ako sabi niya sakin "pwede ba tayong magusap? May sasabihin lang ako. " sabi ko "Sure why not?" Pabiro kong sinabi pero kinakabahan ako sakanya , ngayon ko lang siya nakita na ganun kaseryoso. "Ahm eh, di ko talaga alam kung pano sasabihin or should I say aaminin. Pero ayoko na magpatumpik tumpik pa. Mahal Kita Jai. Hayaan mo sana na maipakita ko sayo ang pagmamahal ko. Ewan ko Jai ! Ngayon lang ako naging seryoso ng ganito. " sumarization lang yan ng mga sinabi niya yan lang natandaan ko ! Basta malaNobela yung mga sinabi niya ! Diba Audrey?" kwento ni Jai.
"Oo ! Nagulat talaga ako kay Emman nun ! haha" sabi ni Audrey.
"Haha. So Friend, it means na nililigawan ka na niya?" sabi ko.
"Oo ! For sure yun ang ibig sabihin ni Emman." Sabi ni Audrey.
Napakibit balikat lang si Jai.
Naglakad na kami papuntang Canteen , kumakain na kami…
"AHMM, Jai. Pwede bang… tumabi .. sayo ?" Halatang kabado si Emman nang sinabi niya kay Jai yun. Kami naman ni Audrey kinikilig, tawa ng tawa ! XD
"Osige Emman maupo kana diyan." Sabi ni jai na halatang pinipilit na lang niyang maging Hyper sa kabila ng Awkwardness.
Nagdadaldalan lang kaming dalawa ni Audrey. Awkward pa rin yung dalawa.
"Uy time na ! Balik na tayo sa room." Sabi ko.
Hinawakan ni Emman ang kamay ni Jai. HHWW (Holding Hands While Walking) ang peg nila ! Nekekeleg telege eke . XD
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionHindi talaga natin masisiguro kung kelan tayo SASAYA , MASASAKTAN at MAWAWALAN NG PAGASA. May mga bagay na dumadating ng hindi tayo handa Meron din namang Pinaghahandaan natin pero hindi naman dumadating . Ang gulo diba? HAHAHAHA. Yung Story na ito...