Bang no. 8 - Call from him

26 1 0
                                    

"Welcome home..." Bati ni kuya sa akin.

"Anong trip mo kuya?" pinakita niya sa akin yung cellphone niya. Yung video! Ah!!

"Ano to? Kailan to?" inaagaw ko yung cellphone niya.

"Kuya naman eh!"

"Aba aba... Sasabihin ko to kay mama."

"Ah! Kuya wag na!" kinukuha ko pa rin yung cellphone.

"Sabihin mo muna kung kailan to?"

"Kuya nakalagay naman di ba! Kuya wag mo na ipakita kay mama ." nanahimik naman siya.

"Ngayon lang talaga to? Astig ha! Magawa ko rin kaya kay ate Anne mo to." asus! Gaya gaya.

"Gawa ka ng sarili mong style kuya! Kaya hindi ka pa sinasagot ni ate Anne eh. Napaka-copy cat mo pagdating sa panliligaw." kinuha ko yung phone niya at inalis na yung video.

"Oh! Wala na yan! Huwag mo na ipakita yan kay mom and dad ha!" hinagis ko na yung cellphone niya.

"Hoy! Johanne Chii Ashida!! Buti na lang nasalo ko! Kung hindi babayaran mo to!" rinig ko pa rin boses kahit andito na ako sa taas.

"Nasalo mo naman Jasper Tatsuya Ashida eh! Okay na yun!" sigaw ko bago pumasok ng kwarto.

"Ahh! Pilosopo ka talaga!" sigaw niya. Ang ingay ni kuya.

"Hay naku...." hinulog ko na lang ang sarili ko sa kama.

~Papol! Papol! Papol! Ahh!!! Banana!!!~

"Sino naman to?" number lang kasi eh.

"Hello.. Sino po ito?" tanong ko agad pagkasagot ko.

"Si Stan to. Yung tungkol sa date natin." ahh... Kilig naman ako! Ang hot and cool ng boses niya sa phone eh!

"Yun ba. Ano ba yung tungkol dun?" nagmaang maangan ka pa!

"Saan mo bang gusto pumunta?" sa namsan tower! joke!

"Kahit saan. Okay na ako."

"May pasok ka ba bukas?"

"Wala, pero may lakad kami ng mga high school friends ko."

"Ahh... Sa sunday?"

"Pupunta kami ng national library eh. Pero sa hapon ng sunday wala akong gagawin. Mga 1 onwards."

"Sige! Saan kita susunduin?" mukhang excited siya sa boses niya.

"Sa McDonalds sa tapat ng National Library. Antayin kita. 1pm ha."

"Okay! McDonalds, 1pm. Ill be there." napangiti naman ako. Para siyang ewan na excited na excited.

"Ill be waiting. Bye. Good night na rin."

"Good night." binaba ko na yung phone.

"Bakit ba kapag ikaw na kausap ko hindi ko na alam ang gagawin ko?" para akong baliw na nagsasalita mag-isa.

"Hah!! Nagiging malandi na ako!!!" tumagilid ako at hinarap si Stan.

"Stan! Anong gagawin ko? Ahh! Parehas pa kayo ng pangalan! Bakit nga ba Stan ang ipinangalan ko sayo? Ahhh!!! Nababaliw na ako!! Teka.. Nagugutom na ako." ginulpi gulpi ko yung pinakamalaking teddy bear ko na color blue na ang pangalan ay Stan.

Nung makuntento na ako. Tumayo na lang ako at nagpalit na ng damit.

Bumaba na ako. Si kuya lang kasama ko. Honeymoon daw nila mama at papa eh. Ayun! Nagbakasyon sila sa Japan. Gusto ko rin sanang sumama kaso may pasok eh.

Ay tanga! Nakipagbalyahan pa ako sa kuya kong baliw! Wala nga pala dito sila mama! Ahh!!!

Kinain ko na lang ang galit ko sa katangahan ko. Kumakain kami ni kuya ng niluto niyang masarap na pagkain! Bakit ang galing ni kuya magluto?

Napansin ko lang na hawak niya pa rin yung phone niya. Anong meron dun?

"Kuya kumakain ka. Pwede mamaya na yan."

"Pinapanuod ko lang tong video niyo."

"Eh ano naman?  Seryoso ka masyado jan!"

Same but Different WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon