Bang no. 37 - Bakit mo kailangan itago?

23 1 0
                                    

Author's POV

"He'll be migrating to Norway." nabigla ang lahat sa sinabi ni Elsa. Pero mas nabigla si Luhan. Dahil hindi ito totoo.

"Luhan dre! Pupunta ka lang pala ng Norway eh. Bakit kailangan pang magpanggap pa kayong magsyota ng pinsan mo?" tanong ni Kiefer.

"Ayaw niya na ipaalam dahil..." nag-iisip ng maaring sabihing dahilan si Elsa upang mapagtakpan ang totoong dahilan ni Luhan.

"Dahil hindi niya kaya na makita kayong umiiyak sa pag-alis niya. Gusto niya maging masaya na kayo. Gusto niya sa pag-alis niya wala ng masasaktan at lahat maayos na." pagsisinungaling ni Elsa. Pero may pain sa bawat salitang sinasabi niya.

"Ayaw niyang mag-iwan ng taong nasasaktan. Kaya...." naputol ang sasabihin ni Elsa.

"Kaya Van... Ipinauubaya ko na sayo si Xyree. Sana mahalin mo siya tulad ng pagmamahal ko sa kanya." sabi ni Luhan kay Van habang nakangiti.

"Luhan... Luhan naman eh! Kung aalis ka lang naman bakit kailangan mo pang gawin to? Kakayanin ko naman ang long distance relationship eh." naiiyak na sabi ni Xyree.

"Xyree... Im sorry.. Pero hindi natin kakayanin." nakayukong sabi ni Luhan.

Pinipigilan lang ni Luhan ang sarili niya na hindi umiyak.

'Hindi... Hindi! Hindi yun ang reason ni Luhan. Kilala kita. Bestfriend kita. Alam kong hindi yan ang dahilan. Okay lang sayo ang long distance relationship lalo na kapag mahal mo yung tao. Unless na lang kung.... No.. No.. No.. Kailangan kitang kausapin.' yan ang nasa isip nila Kiefer, Josh, Kean at Chii.

Nagdududa na sila Chii sa mga rason na ibinigay ni Luhan.

"Ganyan ka na ba kabilis sumuko Luhan?! Hindi ka ganyan dati!!" naiiyak na sabi ni Xyree.

"Kung gusto mo sasama ako sayo. Kaya ko naman eh." nabigla si Elsa at Luhan sa sinabi ni Xyree.

"Hindi Xyree!!! Hindi pwede!!!" sigaw ni Luhan kay Xyree na ikinagulat ng lahat.

'Hindi siya pwedeng sumama sa akin... Ayokong makita niya akong nahihirapan.' sa isip ni Luhan.

"Bakit hindi?" naiiyak na tanong pa rin ni Xyree.

"Dahil mahihirapan ka! Ayokong nahihirapan ka." sagot ni Luhan. Kumikirot na ang dibdib niya sa mga nangyayari.

Pero kailangan niyang maging malakas, walang sakit na dinaramdam kahit na sa panlabas lang.

"Pero nahihirapan na ako Luhan.. Hirap na ako.. Ano bang kailangan kong gawin? Gusto kong makasama ka. Kahit mahirap pa yan. Titiisin ko." pagmamakaawa ni Xyree.

"Sorry Xyree.. Pero hindi ka talaga pwede sumama." ang huling salitang sinabi ni Luhan at saka umalis. Sinundan naman siya ni Elsa.

Naiwan si Xyree na umiiyak at hindi alam ang gagawin.

"Hindi yun ang rason niya." bulong ni Ice kay Aqui.

"Halata naman. Pero dapat ba natin sabihin sa kanila ang totoong reason?" nagtinginan sila sa isa't isa at nag-isip.

"I think we shouldn't. Ayaw niyang mas lalong masaktan si Xyree kaya niya ginagawa yun. Para kay Xyree rin naman ang ginagawa niya." sang-ayon naman si Aqui sa sinabi ni Ice.

"Mas mabuting hindi muna tayo makialam." tumango naman silang dalawa sa sinabi ni Aqui.

"May nalaman ka ba Ice?" curious na tanong ni Chii.

"Wala eh." pagsisinungaling ni Ice.

"So totoo yung sinasabi ni Elsa." patango tangong sabi ni Chii na ikinaworry niya.

"Kailangan kong mag-sorry kay Ate Elsa!!! Kung ano ano ang sinabi ko sa kaniya. Hindi ko naman siya kilala eh. Ang sama ko!!!" tarantang taranta si Chii sa mga ginawa niya.

"Ikaw kasi Josh eh! San mo napulot yung chismis mo!" napatingin tuloy si Josh kay Chii na isinisisi ang lahat kay Josh.

"Sa mga kaklase ko. Pasensya naman! Hindi ko naman alam na mag-pinsan sila eh!" pagdedepensa ni Josh sa sarili.

"Hay!!! Ano ba yan! Wala na tayong magagawa! Nangyari na eh..." sabi ni Freya

"Tama ka... Ang alalahanin na muna natin ngayon ay si.... Xyree???" sabi ni Chii na hinahanap si Xyree.

Biglang nawala na parang bula so Xyree.

"Hoy! Nasaan na naman si Xyree?!!" natatarantang sigaw na tanong ni Chii sa lahat ng tao sa room.

"Tumalon sa building." tipid na sagot ni Ice.

"What?!!!" natatarang sigaw ng lahat ng tao. Sabay takbo nila sa mga malalapit na window.

"Parang wala namang comotion dun. Niloloko mo ba ako Ice!?" natakot naman si Ice sa itsura ni Chii.

"H-hindi ah!!! Bakit? Kapag sinabi bang tumalon sa building. Tumalon mula dito hanggang sa baba? Hindi ba pwedeng nagtatatalon lang sa loob ng building?" pamimilosopong sagot ni Ice.

Binatukan naman siya ni Freya.

"Loko ka! Natataranta na lahat ng tao dito! Nagawa mo pang magbiro?! Tss..." galit na sabi ni Freya.

"Sorry..." nakayukong sabi ni Ice na nakapout pa.

"Lumabas sila ni Van habang busy kayo mag-discuss jan. Iyak ng iyak si Xyree at hindi na nakayanang huminga ng maayos kaya nagpaalam na sa akin na iuuwi na niya si Xyree." pagpapaliwanag mg maayos ni Ice.

"Eeesh!!! Kawawang Xyree..." naiusal na lang ni Freya.

"Umuwi na rin tayo!! Ako ay napagod na sa mga nangyayari!!"

Same but Different WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon