Bang no. 17 - Hold Hands ulit?

19 1 0
                                    

Nakakuha na rin naman kami ng mga reference so diretso na kami ng sa Reference.

"Ano yung topic niyo?"

"Ahh.. ESP eh. Advantages and Disadvantages to be specific."

"Ahh... Si Crey merong ESP. Hayaan mo tatanungin ko." yan! The more the merrier!

"Good! Marami na kaming maiinterview. Wooh.. Thank you ha." umupo na kami sa mga upuan namin.

"Stan, Chii, kayo na lang kumuha ng libro ha." iniabot sa akin ni Kelly yung mga listahan ng libro.

"Sige.." ngiting ngiti naman tong isang to.

Tumayo na kami at pumunta na ng General Books. Andun kasi yung mga kukunin namin. Nakakatuwa yung section na yun. Hindi naman sa weird ako pero exciting kasi yun. Quiet place with some scary feels. Para nga hindi masyadong scary daw? nilagyan nila ng music sa loob.

Habang hinahanap ko yung mga libro. Bigla akong tinapik sa balikat ni Stan.

"Akin na yan. Ako na maghahanap." kinukuha niya yung listahan.

"Hindi na.. Ako na lang." hindi ko binibigay yung listahan sa kanya.

"Wag ng magsalita ha. Ako na kukuha. Tabi ka na lang sa akin at hawakan to para sa akin." nilagay ko sa harap niya yung librong kinuha ko.

Binabasa niya yung librong inaabot ko sa kanya.

"Nga pala, mamaya... Saan mo ba ako balak dalhin?" out of the blue kong tanong. Curious lang ako kung saan niya ako dadalhin.

"Sa place na alam kong mag-eenjoy ka." saan naman yun?

"Ha? Talaga lang ha. Siguraduhin mo lang." ngumiti lang siya sa akin.

Nakakamatay naman ng ngiti niyang yan. Naku! Tigil tigilan niya ako jan! Baka mafall na talaga ako. Ilang araw pa lang kaming magkakilala. Ayoko pang mafall sayo!

"Teka.. Kasama ba yang kinukuha mo?" tinignan ko yung kinukuha ko. Tungkol na pala to sa mga Vampires and Witches.

"Ahh! Oo nga..." binigyan ko na lang siya ng awkward smile.

"Ang cute mo talaga." ipipinch niya sana ako pero inunahan ko siya.

"Mas cute ka." pinisil ko yung pisngi niya.

"Tama na yan. Masakit eh." hinawakan niya yung kamay ko para tanggalin.

Nagkatinginan naman kami sa mga kamay namin na kasalukuyang magkahawak kamay.

Naaalala ko yung hold hands until the end.

Inangat ko yung ulo ko at sakto namang nagkatinginan kami. Agad kong kinuha yung kamay ko at inilagay ang hintuturo sa mga libro. Yung parang pipili ng libro.

Nanahimik kami hanggang makita ko na yung libro.

"Ayan! Kompleto na. Lika na." lumabas na kami ng General Books at pumunta na sa inuupuan namin.

"Ang tagal niyo dun ha. Anong ginawa niyo?" pang-aasar ni Ivy sa amin. Porke ang PDA nila masyado ni Kai? Yung totoo... Sila na ba? Tinalo pa si Xyree at Luhan o kaya si Rianne at Kean eh.

"Kayong dalawa. Anong ginagawa niyo? PDA kayo jan. Mahiya nga kayo nasa library kayo eh." umupo na ako sa upuan ko. Natigil naman sila.

"Hindi naman. Medyo lang. Pero teka, Public Display of Affection ba?"

"Hindi... Public Display of Abnormality. Manahimik na lang kayo at magbasa." binigay ko sa kanila yung mga libro.

Pinipigilan na lang nila yung mga tawa nila at nag-focus sa pagbabasa.

Same but Different WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon