KGA #9. - She's already mine.

45 1 0
                                    

CHAPTER 10

Eyah's POV

Lord, panaginip lang ba yun? Yung pinakidnap ka, tapos biglang may nag-makeover sayo, pinalakad ka sa napakataas na building ng Pamulinawen Hotel, ang weird diba? Napagod ka, nainis, napahiya, nagutom, ang weird ulit diba? Pero last night was perfect. My Valentines Day was so perfect. Our First Monthsary was so very perfect! Ah, basta! NAPAKAPERFECT!! :""") Sa isang gabi na yun, nakalimutan namin yung mga prinoproblema namin. We just feel the moment. Yung tipong amin lang yung buong hotel. Sabay kaming kumain, sabay naming tinitigan ang mga bituin habang nakalagay ang ulo ko sa balikat niya. Mala-teleserye lang diba? Nagkulitan, nagkwentuhan, nagtawanan, hanggang sa matapos ang February 14. Sobrang saya ko. Super duper thankyou, God. <3 :""") Sana hindi ako nananaginip.

''Goodmorning Nak! Kamusta?'' Bungad ni mama sakin.

''Anong kamusta, ma?'' Tanong ko.

''Asus!'' Sabi ni mama. ''Eh, ano 'to?'' Sabay pakita ng picture.

HALAAAAAAAA! San niya kinuha yun?! Si, si, siiiiiiii. Kayyyy, na, na, na-----kay Leonna lang naman yun ahhhhhh!

Hindi nalang ako umimik, yumuko ako, at inalala ang mga nangyari.

Tekaaaaaaaaaa, kinasabwat din niya sina mama?!?

''Oy Nakkk!'' Sabi ni Mama. ''Onga pala, hinatid ka ni Niko dito kagabi. Alam kong may nangyari nak, wag kang magdeny.''

Nanlaki bigla mga mata ko. As in, parang ganito. (O___O) ANO?! NANGYARI?! ANONG NANGYARI?!

''Ay!'' sigaw bigla ni mama. ''Ibig kong sabihin nak, alam kong may ginawa si Niko na supresa para sayo.''

''Kasabwat ka din niya, ma?''

''Hindi nak, sinabi lang ng mga kaibigan mo. Tska, halata naman sa gown mo kagabi. Bongga!''

Hayyy, kay mama talaga ako nagmana. TEKA! KASABWAT NIYA SILA BESTIEEEEEEEE?!?

''Okay maaaaaaa. Tama na. Baba na tayo, gutom na me.'' sabi ko nalang.

Bumaba nalang ako. Wala man lang akong kaalam-alam na magkakasabwat sila. Gagaling.

Nasa hagdan palang ako, nakita ko nang may nakahandang pagkain sa lamesa. Naks. Valentines na valentines. May roses pa.

''Oh, nak. Baba na.''

''Wow, ma? Ano meron?'' tanong ko. Nakuryos ako bigla eh.

''Ay, oo nga pala.''

Oo nga pala? Teka, anong oo nga pala?

''Hi Eyahbabeeeeee!''

''Andito si Niko, ma?'' Tanong ko bigla kay mama. Alam ko kaya boses ng mahal ko. Tumingin ako sa table.

''Gising ka na pala mahal kong prinsesa.'' Sabi niya, tapos kininditan ako.

''Akala mo makakalimutan ko na pinakidnap mo ko?'' Sabi ko sakanya na nakataas ang isa kong kilay. ''Suntukin kita gusto mo?'' dagdag ko. Ang taray ko, hmp!

''Ayaw ko nang suntok.''

''Naks! Choosy! Namimili pa!''

''Oops! Punta muna ko sa kusina. Bago pa ko malanggam dito.'' Sabi ni mama na tumatawa. Tinatawanan ako.

Biglang lumapit si Niko sakin.

Nilagay ang mga kamay niya sa mukha ko.

Tapos,

Tapos,

Tapos,

''Ayaw ko ng suntok. Gusto ko kiss.'' Tapos kinurot 'tong napakacute kong pisngiiiiiii!

''ARAYYYYYYYYYYYYY!'' sigaw ko.

''Belatttt! HAHAHA!''

''Wag na wag kang tatabi sakin, susuntukin talaga kita!'' babala ko sakanya. Susuntukin ko talaga siya! With love!

''Hahalikan naman ulit kita.''

Ahhh? Hahalikan? Mukha niya halikan niya! Pumunta nalang ako sa table na hindi siya pinapansin. Nagtatampo ako.

Niko's POV

Yung aga-aga, nag-aasaran kayo. Tapos ang bilis niya mapikon. HAHAHA! Ang cute ng mahal ko eeeeee.

Lumapit ako sakanya, para lambingin. Halatang nagtatampo eh!

Umupo ako sa tabi niya.

''Sorry na.'' sabi ko na nagpapacute.

''Nakuha mo pang magpacute ha?'' sabi niya.

Galit? Tampo? Okay, hindi nalang muna ako magpapansin.

Habang papunta na ko sa kusina, para tulungan si Tita.

Biglang uminit 'tong katawan ko.

''Eto naman. Hindi mabiro.'' bulong niya sa tenga ko.

Yakap yakap niya pala koooooooo!

''Sorry na, Niko unggoy.'' bulong niya ulit, tapos hinalikan ako sa pisngi. WA-HA!

Galing din netong girlfriend ko e nuh? HAHAHA! Namumula na 'tong tenga ko. Halata nang kinikilig ako amppp!

''Oyyy!'' sabi niya. ''Kinikilig ang mahal kong unggoy!'' sabi niya ulit habang tumatawa. Tinatawanan ako eh. Pero, yakap yakap pa din ako. :")

''W-A-L-E-Y!'' sabi ko. ''Hindi kaya!''

''Pa-waley waley ka pa! Halata kaya!''

Ba't ganun? Habang inaasar niya ko, lalo akong kinikilig.

''Hindi ah! Hindi kaya!''

''Wuhhhh! Palusot.com!''

''Ehhh? Asan na yung kiss ko?''

''Mukha mo!'' sabi niya. Tapos kinurot tong pisngi ko.

''10...

9...

8...

7...

6...

5...

4...

3...

2...

1!''

Dalawang pisngi pa talaga ang kinurot niya. Ang sakiiiiiiiiiit!

''Quits na tayo nikobabe!'' tapos hinalikan ulit ako sa pisngi.

Biglang nawala yung sakit eh?

''Lord, maraming salamat po sa magandang umagang bungad niyo sa amin. Maraming salamat po sa kakainin namin ngayon na luto ng napakaganda kong nanay. At maraming salamat po ulit dahil andito ang pangalawang lalaking pinakamamahal ko. Sana po ay bantayan niyo kami sa lahat ng oras, lalo na po si papa. Maraming salamat po ulit. Mahal po namin kayo, Amen.''

Ansabe ng girlfriend ko? Mabait na, makadiyos pa! Hindi ko na po papakawalan 'to, lord. Amen. <3

''Tita.'' Sabi ko kay mommy, ay este kay tita. ''Pwede ko ang ipasyal si Eyah?'' tanong ko.

''San tayo pupunta?'' tanong bigla ni Eyah.

''Sa puso daw niya nak!'' Sigaw ni tita, na kinikilig.

''Matagal na po siyang nandito, tita.'' sabi ko. ''Ipapakilala ko lang po siya sa mga kaibigan ko, tita. Kakauwi lang nila galing abroad. Kasama naman po sila Alyn.''

''Osige, ingatan mo lang siya, nak, ha?''

''Opo, huwag kayong mag-alala.''

Kay Gandang AnghelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon