CHAPTER 12
Niko's POV
Inaantok na siya, pero hindi pa din ako kinakausap. Medyo nakakatampo na ha. Kakanta na nga lang ako para naman makita ko siyang ngumiti ulit. Pero yung totoo? Ang ganda niya pa din kahit nakasimangot. Kaasar lalo akong naiinlove.
Wag sana niyang laitin 'tong boses ko, kahit pangalawang beses na kong kumanta sa harapan niya. Hahahaha. Maganda kaya boses ko! Wala nga lang sa tuno.
''Sa iyong ngiti ...'' pagsisimula ko.
''Hindi ako nakangiti.''
''Ako'y nahuhumali ...'' 'Sa tuwing ikaw ay tumatawa ang mundo ko'y ...''
''Hindi ako tumatawa.''
''Tumitigil. Para lang sayo, awit ng aking puso sana'y mapansin mo rin ang lihim na pagtingin ...'' pagtatapos ng pagkanta ko.
''Kakanta ka na nga lang, mali pa.'' hina niyang sinabi, tapos napatawa siya unti.
''Atleast napangiti kita.'' sumbat ko.
Hinawakan ko nalang ang kamay niya, hindi naman siya nagreklamo. Nakangiti pa nga e. Patagong ngiti. Pero halata. Ano yun? Hahahaha.
''Sorry na.'' sabi ko.
''Mukha mo.''
''Please? Hahalikan kita kitam.'' paghahamon ko sakanya. Ayaw pa ko patawarin e.
''Then? Do it if you can!''
''Ah ganun?'' Hinahamon talaga ako. Kala niya 'di ko kaya ah?
Itinigil ko sa gilid 'tong kotse, at inilapit dahan dahan sa mukha niya ang mukha ko. Tinatakpan niya ang maganda niyang mukha at lumalayo sakin. Pero hindi niya yun magagawa dahil di niya ko kaya. Hahaha! Pinipilit kong tanggaling ang kamay niya sa mukha niya, ayun natanggal din. Malapit ko na sana siyang halikan pero..
''ARAY!'' sigaw ko. ''Asar!'' Na-atching siya.
''Ano ba yan, Niko?! Ambaho ng perfume mo!'' sigaw niya.
''Aba, ikaw pa 'tong galit!'' Napansin ko nalang na dumudugo na pala 'tong ilong ko.