KGA #5. - Exsend

107 3 0
                                    

CHAPTER 5

Niko's POV

Bago pa maganap ang plano ko para kay Eyah, may nakahanda nang mga camera para i-video ang mga mangyayari. Mula umpisa hanggang sa huli. May mga natuwa't kinilig, may mga nainis at negative comments. May nag-comment nang:

''Ang swerte nung girl, sana sila na yung magkatuluyan sa hinaharap. :)''

''Sweet ni Kuya! Sana may magpropose din sakin na gaya niyan! Lol, libre po mangarap!''

''KILIGMUCH! Haba ng hair ni ate. Daig pa ni Rapunzel! Nakakainggit! I'm happy for them! Hindi pa talaga din ako maka-get over dun sa nangyari sa covered court!''

May mga nag-comment din naman nang:

''WTF! Yan? Nakakakilig ba yan? Tska, hindi naman maganda yang Eyah na yan ah? Sus! Pasikat lang? Mas maganda pa nga ako eh? Da hell, swerte siya kasi may nagkagusto pa sakanya!''

''Mas maganda naman talaga tayo sis eh? Kaya lumalaki ulo niyan eh. Pasikat putsa!''

''Huwag kayong mag-alala mga girls, iiwanan din ni Boy yang si Eyah na yan! Kairita!''

Nang biglang may nag-comment, Si Harvey yung kababata ko.

''Kung wala naman pala kayong i-cocomment na maganda, sana hindi nalang kayo nag-comment! Hindi naman namin hinihingi opinyon niyo eh?! Akala niyo magaganda kayo para manglait kayo ng ibang tao? Akala niyo ikagaganda niyo yang pinagcocomment niyong yan?! Siguro nga maganda kayo. Pero ang papangit naman ng mga ugali niyo. Kababae niyong tao!''

Eyah's POV

Hi guysss! Kami na ni Niko. :"> Alam kong alam niyo na na kami na! HAHAHA! Throwback natin! Nagpropose siya sakin, sa school pa namin mismo. Napatulala talaga ako nun. Hindi ko akalain na may magbibigay ng pink & red roses sakin, may haharana sakin. Yung isa pa sa pinakapaborito kong kanta yung kanta niya nung hinarana niya ko. Sobrang saya ko! Hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya! First time mangyari sa buhay ko yun. Yung ginawa ni Niko. Ganito pala talaga kasarap sa pakiramdam na mahal ka nang taong mahal mo. Yung tipong kasasabwatin ang mga kaibigan mo para lang patunayan na totoo ang nararamdaman niya para sayo. ANG SAYA KO PO TALAGA! :"") Kahit may mga taong hindi sang-ayon, at hindi kanais nais ang komento samin ni Niko. Wala po akong pakealam. Basta't alam kong mahal ako ni Niko, at ganun rin po ako sakanya. SAKANYA LANG AKO, AT AKIN LAMANG SIYA. <3

Habang naglalakad ako papunta sa library, pagkabuklat ko palang sa kinuha kong libro, may lumapit sakin na isang babae. Freshmen student. Binati niya ko.

''Hi po ate, ikaw yung kahapon diba? Ang swerte mo naman ate. Ang pogi na nga ng boyfriend mo, bagay na bagay pa kayo! Ingatan mo siya ate. Huwag mong hahayaang maagaw siya ng iba. Ako nga po pala si Danica Uy. Freshmen student.'' sabi niya sakin.

''Ahhh, Hi Danica. Ako naman si Theiyah, Eyah nalang itawag mo sakin. Oo nga eh. Sobrang swerte ko talaga. Haha! Hinding hindi ko hahayaang mangyari yun.'' Sabi ko lang.

Kay Gandang AnghelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon