Same feelings, Old enemy

162 9 1
                                    

Kabanata 1

MGA nagkakalampagang kubyertos at ang matinis na sigaw ng baboy na kinakatay ang pumukaw sa mahimbing kong tulog.

Dumungaw ako sa bintanang katabi lang ng higaan ko. Agad kong nakita ang ilang trabahador naming may hawak na maliit na balde at binubuhusan ng mainit na tubig ang kaka-katay lang na baboy.

Pabalik-balik rin si Nanang Rosie sa kusina at sa likod bahay namin, bitbit ang niyog na gagawin ata nilang buko salad. Doon lang pumasok sa isip ko kung ano'ng okasyon mamaya.

Handa na ba akong makita s'ya after 7 years? Galit pa rin kaya s'ya sa akin? Nagbago na ba s'ya? Paano kung mas lumala pa ang ugali n'ya?

I ignored all the possible questions lingering in my mind. Hindi ito ang panahon para doon. Kailangan ko na atang bumaba para makatulong sa mga gawain.

Matapos kong maligo at magsuot ng kumportableng damit ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina.

Mukhang busy nga ang lahat ng katiwala namin sa bahay. Halos pitong taon na rin kasing hindi nakaka-uwi si Tito Roosevelt dito.

" Ako na Ate Tina." Sabay kuha ko sa hawak na grater ng katiwala naming hindi nalalayo ang edad saken. " Asan ho ang cheese?" Tanong ko sa kanya.

Umiling naman kaagad si Ate Tina at inagaw muli sa akin ang grater, " Naku, Señorita h'wag na ho." Bumaling ito kay Nanang Rosie at nang makitang hindi ito magkandaugaga sa pag chop ng mga gulay ay nabalik ang tingin sa akin.

Napakamot ito sa ulo. Ngumiti naman ako sa kanya. See? Sobrang dami ng gawain nila ngayon, madaming lulutuin.

" Okay lang po ba, Señorita?" Tumango ako sa kanya at kinuha uli ang grater.

Binuksan ni Ate Tina ang ref at inilabas doon ang ilang kahon ng cheese.

Nagpasya akong sa may veranda na lamang mag grate. Alas sais pa lang kasi ng umaga at hindi pa doon gaanong maaraw. Inilapag ko sa maliit na round table ang ilang keso at pumwesto na para masimulan ang trabaho ko.

Nakakatatlong kahon pa lang ang natapos ko ng makita ko si Nanang Rosie papalapit saken hawak ang wireless telephone namin.

She mouthed something. Nangunot ang noo ko nang hindi ko iyon maintindihan. Inulit n'yang muli iyon at nang mapagtantong "Tito Roosevelt" iyon ay madali kong iniwan ang pwesto at sinalubong na s'ya.

" Hello po, Tito!" Masayang bati ko kay Tito.

" Alliyah, iha. Mabuti at gising ka na. Kagabi ko pa tinatawagan ang cellphone mo pero unavailable. Nalimutan mo na naman bang i-charge?" Tumango ako kahit alam kong hindi iyon nakikita ni Tito.

" Sorry po. Nakatulog ho kasi ako ng maaga kagabi, nakalimutan ko ata."

" Ganoon ba? Sige, nandito na kami ngayon sa dating bahay natin. Tiningnan ko lang kong gaano kalaki ang kailangan ipa-renovate. Mamayang hapon siguro ay nandyan na kami."

Kami. Nanindig ang balahibo ko sa narinig kong iyon mula kay Tito. Sino bang pinagloloko ko? Syempre kasama sa pag-uwi n'ya ang lalakeng iyon. Sabay silang umalis kaya sabay rin silang babalik.

" A-ahh...okay po. Naghahanda na nga po sila ngayon dito..Ingat po kayo sa byahe."

" Oo, iha. Imbitahan mo rin ang mga naging kaklase mo. Sige na at kinamusta lamang kita dahil hindi kita ma contact kagabi. Ba-bye na."

" Sige ho.. Paal--"

" Dad, nandito na po si Architect Robles."

Kahit hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay agad kong binaba ang tawag. Biglang nanginig ang buong katawan ko. Mabuti na lamang at naalalayan ako ni Nanang Rosie. Pakiramdam ko ay nawala lahat ng lakas sa katawan ko pagka-rinig ko sa boses na iyon.

Darkest TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon