Why's

136 6 6
                                    

" WHAT are you doing here?!" Napasigaw ako ng wala sa oras. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob na sigawan si Raven.

Paano s'ya nakapasok sa kwarto ko? Ang pagkaka-alam ko ay inilock ko ang pinto kanina!

Tumayo si Raven sa pagkaka-upo sa kabilang panig ng higaan ko at naglakad papunta sa akin. Agad akong tumayo at tinakbo ang pinto.

Narinig ko ang tawa nito na animo'y tuwang-tuwa sa aking pagkataranta.

Tumigil ito sa paglalakad. " I still have that effect on you, eh?" Hinarap ko s'ya habang nangangatog ang mga binti.

He was smirking!

" No! Get out." Matapang kong sigaw sa kanya pero halatang pekeng tapang lamang 'yon dahil sa garalgal kong boses.

Umiling s'ya at nakuha pang humiga sa aking kama. I am shaking! 'Ni hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. His mere presence is overwhelming.

" I'm tired, baby. Let me sleep for a while." Bigla akong nakaramdam ng kung ano'ng kakaiba. Baby... Kailan pa n'ya ako tinawag ng ganoon?

Kinalma ko ang sarili at aakto na sanang bubuksan ang pinto ng magsalita s'ya, " Dito ka lang, tumabi ka sakin." Pinagpag pa nito ang espasyo sa gilid n'ya.

Nangunot ang noo ko. Ano bang nangyayari? Bakit...bakit parang may iba sa kilos ni Raven?

Mabilis akong umiling sa paanyaya n'ya. " N-no."

He sighed. Ilang sandali pa ay tumayo na ito, minasahe pa n'ya ang leeg na parang nangalay.

" I will catch up with you later. For now, change to a decent dress and go downstairs. Kanina ka pa hinahanap ni Daddy."

Inangat ko ang tingin sa kanya at marahang tumango. Ang taas-taas na n'ya and he's towering me.

Hindi ba s'ya nakapag-pahinga because he really looks tired. I mentally slapped my face. Kailan pa ako naging concern kay Raven?

Halos hindi na nga ako maka-uwi kanina sa pangamba na magkita kami pero ngayon, heto at nagkakausap kami ng maayos.

" Good. I'll be waiting. Be quick, babe." Muntik na akong himatayin ng halikan ni Raven ang noo ko. Ngumisi ito at lumabas na ng kwarto habang ako ay nakatulala pa rin at hindi ma process ang mga pangyayari.

Nanaginip pa rin ba ako?

ISANG light pink haltered dress ang sinuot ko. Two inches above the knee at may mga mumunting intricate designs, isang skin-colored pumps ang pinares ko. Hinayaan ko na lamang na nakalugay ang medyo may kahabaan kong buhok, natural na straight 'yon kaya hindi na ako nag-abala pa.

I inhaled deeply. Kanina pa text ng text sa akin sina Loki at ilan ko pang mga kaibigan. Naroon na raw sila sa ibaba at hinihintay ako.

Gusto ko na ring makita si Tito but I'm still worried about Raven. Hindi naman siguro n'ya ako ipapahiya sa mga bisita o sa mga taga Hacienda diba? Sana naman ay nagbago na s'ya kahit papaano. Pero paano kung mas lumala pa s'ya? Ano'ng gagawin ko?

But the way he acted earlier, I can say that may pagbabago na nga sa way ng interaction sa akin ni Raven. Ang tanong nga lang ay kung sincere nga s'ya kanina? What if he's acting up again?

Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon sa loob ng maliit kong clutch bag. It's Loki!

Napakagat ako sa labi. Nag-aalala na siguro sila. Kanina pa dapat ako nasa ibaba.  I swiped the answer button, " Yes?"

" Okay ka lang ba?" Agad kong napansin ang panic sa boses ni Loki. " Nakita ko si Raven na bumaba mula second floor ng mansion n'yo. Don't tell me galing s'ya sa kwarto mo?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Darkest TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon