Kabanata 2
" Loki..."
TAWAG ko sa kanya. Kanina pa ako nakabihis at hinihintay na lang na maayos lahat ng mga gamit na dala nina Polly kanina.
Habang nag-aayos sila ay agad ko namang kinompronta si Loki. Pero heto s'ya at hindi pa rin ako pinapansin.
Anak si Loki ng Resident Lawyer nang mga taga Hacienda.
Ang papa n'ya ang nag-aasikaso ng mga papeles, permits at minsan ay kaso rin ng ilang trabahador sa Hacienda habang nagpapagamot si Tito Roosevelt sa abroad.It was almost seven years ago ng masangkot ang ilang manggagawa ng Hacienda sa isang gulo.
Sila kasi ang pinagbintangan nang paninira ng gamit na pansaka ng kalabang Hacienda sa kabilang bayan--ang Hacienda Leneiro.
Simula pa kay Lolo ay hindi na maganda ang turingan ng mga Leneiro at Azenello. Magka-kompetensya na sa Hacienda, magkalaban pa sa ilang negosyo.
Mabuti na lamang sa mga panahong iyon, nandoon ang papa ni Loki at tinulungan ang mga trabahador namin. Sa huli, napatunayang hindi sila ang sumira sa mga gamit dahil ang mga trabahador mismo ng Hacienda Leneiro ang may gawa ng lahat.
Araw-araw ay pabalik-balik sa mansyon ang papa ni Loki at bilang single parent ito ay palagi n'yang isinasama si Loki.
Mabait at may pagka bibo kasi si Loki kaya naging madali ang pagiging magkaibigan namin.
Hindi n'ya ako tinigilan hangga't hindi ako ngumingiti. Matagal ang naging pangungulit n'ya sa akin hanggang makuha ang loob ko.
Unti-unti ay naging mas malapit kami at nagsimula na akong tumanggap ng mga bagong kaibigan. Malalim ang sugat na iniwan ni Raven sa pagkatao ko pero masasabi kong si Loki ang muling bumuo sa akin.
Wala kaming relasyong dalawa. Oo at nagkaka-intindihan kami pero masyado pang maaga para pumasok sa isang relasyon lalo na at hindi pa ako lubusang nakakatakas sa madilim kong nakaraan.
Alam ni Loki lahat ng pinagdaanan ko at siguro ay natatakot din s'yang tanungin ako tungkol sa kung ano'ng meron kami dahil baka masaktan lang namin ang isa't isa sa huli. I don't want to lose a friend like him. He's too precious to lose.
Kinalabit ko ulit s'ya pero hindi pa rin n'ya ako hinaharap at patuloy lang s'ya sa panonood ng ilang batang naliligo sa talon.
" May nagawa ba akong ikinagalit mo? Sorry na oh, dead batt na kasi ang cellphone ko at nalimutan ko pang i-charge." Paliwanag ko sa kanya kahit hindi ko alam ang rason kung bakit hindi n'ya ako kinikibo.
Maayos naman ang naging palitan namin ng SMS kagabi. Yon' nga lang at hindi ko kinwento sa kanya ang balak na pag-uwi ni Raven dito sa Hacienda. Ayaw ko naman kasing mag-alala pa s'ya sa akin lalo na at kakarating pa lang n'ya ng Maynila noong nakaraang araw.
Summer na rin kasi at t'wing bakasyon ay dinadalaw n'ya ang ina sa Maynila. Hindi ko nga alam kung bakit umuwi s'ya ngayon. Wala naman s'yang naikwento sa akin kagabi.
Ilang minuto rin akong nakatayo sa tabi n'ya at parang hangin lang ako dahil ni minsan hindi man lang n'ya ako nilingon.
" Señorita! Uwi na tayo! Maghahanda pa kami para sa party n'yo mamaya!" It was Trek's voice. Tapos na sila sa pag-aayos.
Nag-okay sign ako sa kanila at pilit na ngumiti pero ang totoo ay naginginig na ako...hindi dahil sa lamig ngunit dahil sa kaba.
Pilit kung nilimot na makikita ko na mamaya si Raven pero mukhang niloloko ko lang ata ang sarili ko.
Parang ayaw ko pang umuwi, kung pwede nga lang na dito na ako matutulog ay gagawin ko.
Nakadagdag pa sa iisipin ko itong pagtatampo sa akin ni Loki. Ibinalik ko ulit ang tingin sa kanya, ganoon pa rin. Wala pa rin s'yang kibo.

BINABASA MO ANG
Darkest Touch
ChickLitSimula pagkabata ni Alliyah, tumatak na sa isipan n'yang panget s'ya, walang kwenta at salot. Sa bawat araw kasing ginawa ng Diyos, ito ang palaging sinasabi at pinapamukha sa kanya ng pinsang si Raven. Hindi naman n'ya talaga ito totoong pinsan, am...