Sulyap

186 13 0
                                    

UMIIYAK akong lumayo sa playground. Nasugatan na naman kasi si Henry nang dahil sa akin.

Masama akong tiningnan ni Raven, " Kasalanan mo ito, Alliyah! Kung hindi ka nakikipaglandian kay Henry ay hindi ako maiinis at paluin sya nitong lunch box. Kasalanan mo to! Malas ka!" Sigaw ni Raven sa akin.

Humahagolhol akong umuwe sa bahay. Itinapon ko na lamang basta-basta ang aking bag at dumiretso na sa aking kwarto.

Mabilis akong pumasok sa CR at binuksan ang shower. Puno ako ng dugo ni Henry. Malaki siguro ang sugat nya sa ulo...medyo malakas pa naman ang pagkaka hampas sa kanya ni Raven.

Kiniskis ko ang balat kong may bahid nang dugo ni Henry pero kahit ilang beses ko ng sinabon 'yon, pakiramdam ko ay hindi pa rin natatanggal ang bahid ng dugo roon.

Napasalampak na lamang ako sa tiles nang CR. Kasalanan ko na naman ito. Ilang beses na akong sinabihan ni Raven na h'wag makipag kaibigan kahit kanino kasi malas daw ako at ipinapahamak ko lamang ang mga tao sa paligid ko.

Halos tatlong taon ko ring nasunod 'yon, homeschooled kasi ako simula nang napunta ako sa poder ni Tito Roosevelt, ang nakakabatang kapatid ni Mama.

Pero iba na ngayon. Grade five na ako at pinayagan na rin naman ako ni Tito Roosevelt na makapag aral sa isang normal na school.

S'ya rin mismo ang nagsabing pwede akong makipag kaibigan sa iba pero bakit ganoon si Raven? Palagi nya na lamang sinasaktan at tinatakot ang mga nagiging kaibigan ko.

" Pinoprotektahan ko lamang sila sa kamalasan mo, Alliyah. Salot ka kasi! Salot."

Naalala ko na naman ang paulit-ulit na sinasabi ni Raven sa akin. Oo, salot nga siguro ako.

Nagulat ako ng pwersahang bumukas ang pinto nang CR. Ang galit na galit na mukha ni Raven ang sumambulat saken. Bigla akong kinalibutan...galit na naman sya.

Matanda sa akin nang limang taon si Raven. Nasa High School na s'ya pero palagi s'yang nakatambay sa elementary department, palagi akong binabantayan.

Ayaw na ayaw n'yang nakikihalubilo ako sa iba. Ayaw nyang magkaroon ako ng kaibigan...ganyan sya kagalit sa akin.

Marahas nya akong hinigit patayo. Marami ring dugo sa mga kamay nya. Nasira nga ang lunch box ko sa lakas ng pagkaka hampas nya kay Henry.

Kamusta na kaya siya? Ano nang nangyari sa kanya? Makukulong ba si Raven?

Sa sobrang takot at pangamba ay hindi ko namalayang naitulak na ako ni Raven sa kama. Basa pa rin ako at alam kong basa na rin panigurado ang higaan ko.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko na naman ang naniningkit n'yang mga mata.

" Sinuway mo na naman ako, Alliyah! Bakit ka nakikipag lampungan doon sa kaklase mo ha!" Tinapon nya sa akin ang isang envelope.

Nanginginig ang kamay kong inabot at binuksan iyon. Lumantad sa akin ang ilang pictures namin ni Henry.

Nakangiti ako sa kanya at nakangiti rin sya sa akin. Naalala ko ang mga ito. Ito 'yong mga panahong nanghihiram s'ya sa akin ng eraser.

Bakit may picture neto si Raven? At bakit galit na galit s'ya?

Kahit na nilalamig na ako ay nakayanan ko pa ring tanungin s'ya, " A-anong problema d-dito, Raven?" Nag umpisa na namang mamuo ang luha sa mga mata ko.

Mabilisang sumampa sa kama si Raven at hinawakan ang leeg ko. Hindi yun masakit, katam-tamang pwersa lamang ang binibigay n'ya sa leeg ko pero natatakot pa rin ako sa kanya.

Alam kong suplado at palaging naiinis sa akin si Raven pero iba s'ya kapag nagagalit. Para s'yang ibang tao.

Inilapit nya ang bibig n'ya sa tenga ko at may binulong, " Itong tatandaan mo, Alliyah. Akin ka! Walang ibang pwedeng makakuha sa'yo mula sa akin. Ako lang naman ang nakakapag t'yaga d'yan sa kapangitan at kamalasan mo." Unti-unting dumampi ang mga labi nya sa punong tenga ko.

Nangilabot ako.

Tinulak ko s'ya pero bigla akong nanghina lalo na noong mayroon ng maliit na pwersa ang mga kamay n'ya sa leeg ko.

" Sa susunod na uulitin mo pa ito, mas malala pa ang mangyayari sa mga makakasalamuha mo. Naiintindihan mo ba?" Muli n'yang bulong sa akin.

Kahit nahihirapan ay pilit pa rin akong tumango. Kasabay noon ang pagka rinig namin sa pagdating ng isang kotse.

Nandito na si Tito Roosevelt.

Tumayo na si Raven ngunit nanatili pa rin akong nakahiga. Hinawakan ko ang leeg kong kanina'y hawak nya. Hindi ako makatingin sa kanya. Sige pa rin ang luha ko.

" Maligo ka na at magbihis. Sana ay di mo malimutan ang pinag usapan natin at sana'y hindi na ito makakarating pa kay Daddy."

Gamit ang nanginginig na boses ay umoo ako kay Raven.

Kahit hindi ko nakikita ay ramdam ko ang nakakapanindig balahibo n'yang ngisi. " Good girl." Sabay noon ang malakas na pagsira ng pinto nang kwarto ko at ang mahina kong pag iyak.

Darkest TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon