Rape Victim

644 13 2
                                    





Ako si Dessa, kasalukuyang nag-aaral ng ikatlong taon ng kolehiyo sa isang sikat na Unibersidad dito sa Luzon. Mahilig akong magbasa ng iba�t ibang kuwento, mahilig din akong magsulat ng mga tula, kuwento at nobela. Nagsimula akong magbasa ng mga kuwento dahil sa kaibigan kong si Mich nung first year college ako. Masaya daw magbasa at nakakalibang pa kaya naman sinubukan ko. Hanggang sa tuwing magkasama kami at naagkukuwentuhan ay yung mga nabasa namin ang aming mga topic. At tulad nga nga sinabi niya sakin ang saya ngang magbasa. Parang kasama ka na nga sa cast na kuwento pag talagang minahal mo to. Iiyak ka pag namatay yung bida na ang sakit-sakit sa dibdib, tatawa at kikiligin ka naman pagtalagang nakakakilig na ang kuwento hanggang sa marerealise mo nalang na para kana palang baliw dahil mag-isa mong tumatawa sa gilid ng daan o sa higaan mo at pagtitinginan kana lang ng mga tao sa paligid mo.

Masaya akong kasama si Mich pero nakakalungkot na nung nagsecond year na kami ay huminto na siya ng pag-aaral at yung kuya niya muna ang kailangan na pagtapusin dahil graduating na daw yun. Wala siya nagawa kaya madalang na lang kami nagkita. Dahil siya lang ang pinakaclose ko sa barkada ay talagang nalungkot ako sa balitang yun.

Nung nagpasukan naghiwa-hiwalay ang barkada dahil nag-iba-iba na kami ng major. Naiwan akong mag-isa sa at pumili ng major sa Filipino. Hindi ko alam kung sino ang magiging kaibigan ko, hindi ko alam kung kanino ba ako sasama. Kinakabahan ako. Hindi kasi ako sanay na mag-isa dahil takot akong mag-isa. May mabigat na dahilan yun pero..

�Okay class para sa final exam niyo dito sa subject na Humanities kailangan niyong gumawa ng sarili niyong nobela o kuwento. Ipapass niyo sakin yung mga gawa niyo at mamimili ako ng isa. Yung mapipili kong isa na yun ay gagawin niyo movie na papasok naman bilang final project niyo. Maliwanag ba?�

Finals na nga pala at simula na naman ng ngaragan. Hayst.!!!!

�Ma�am individual po ba yung paggawa ng kuwento o nobela o by group po?�

�Individual yun. O may tanong pa ba?�

�Wala na po.�

�Sige yan na muna. Hindi na pala tayo magmimeeting bale last meeting na natin to para sa paggawa niyo ng iyong mga kuwento. Class dismissed.�

Yun lang pala. Buti nalang at ganun lang ang gagawin hindi masyadong mabigat. Sana mapili yung gagawin ko. Sana�

�Uy Dessa may naisip ka na bang kuwento na gagawin?�

Siya si Joei. Babae siya. Siya na ang lagi kong kasama mula nang magsecond year ako. Kakuwentuhan, kaibigan at kasama sa boarding house, kapatid na ang turingan naming sa isa�t isa. Alam na kung ano ang mga sikreto at magkaramay sa ano mang problema na dumating. At higit sa lahat hiraman ng pera pag wala ng badget ang isa. Ganyan kami�

�Ahh. Oo meron na. ikaw ba?�

�Wala pa nga ehh. Pano ba magsimula? Nahihirapan kasi talaga ako.�

�Madali lang naman basta isasapuso mo ang pagsusulat at mahalin mo ang mga karakter na gagawin mo. Tiyak na gaganda ito.�

�Parang ang hirap naman yata nun. Tulungan mo naman ako.�

�Sige. Mamayang gabi gumawa tayo.�

�Sige salamat talaga ahh.�

�Ano kaba, wala yun.�

Mabilis na lumipas ang oras at nag-uwian na. Nagpahinga muna kami at nakatulog. Gabi na ng magising kami kaya naman nagluto muna kami ng makakain pagkatapos kumain ay humarap na kami sa laptop at nagsimula na sa aming dapat gawin.

�Oh ano Joei may naisip ka na bang concept para sa gagawin mong kuwento?�tanong ko.

�Wala pa nga eh. Gumawa ka muna tapos babasahin ko. Baka makaisip ako hehe.�

Rape VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon