Smile...yan ang favorite word ko. Alam niyo kung bakit? dahil sa pagiging pala-ngiti ko. Sa simpleng word na yan madami na akong napapasaya kaya naman paborito ko nang gawin iyan.
Napapangiti ako kapag nakikita ko yung ibang tao na palaging nakangiti at palaging masaya. Yung tipong walang problema. Napapangiti ako dahil kahit papa-ano ay nakakatulong ako sakanila na makalimot ng sakit kahit panandalian lang ito.
Pero minsan, mahirap din pala. Mahirap mag-panggap na nakangiti ka talaga. Mahirap dahil kailangan mong magpanggap na okay lang ang lahat para dun sa mga taong pilit mo pinapasaya. Minsan nakaka-inggit din dahil nakikita mo na masaya sila dahil sayo. Nakaka-inggit sila dahil kaya ko silang pangitiin at pasayahin ngunit sa sarili ko hindi ko kayang gawin iyon.
Hurting but still smiling ang peg ko.....
Sana ganun na lang kasi kadali makuha si Happiness. Pero hindi eh. Mahirap.
Sana si Happiness ay pwede na lang i-text. Yung tipong sasabihin mo lang sakanya ay: 'Happiness, where na u? Dito na is me.' Pero hindi eh, masyadong pabebe si Happiness. Ayaw niya daw ng jejemon na text. Hindi kasi siya maka-intindi ng word na may numbers at kung ano ano pa na about sa jejemon. Ayaw niya rin yung mga wrong grammars. Gusto niya English spokening. Ang arte! Masyadong pa-hard to get! Leche kang Happiness ka!
Pero wag ka naman sanang ma-offend sa mga sinabi ko Happiness, mamaya mas lalo ka pang maging pabebe diyan! Nako!
Pero bat ba ayaw mo saakin? Maganda naman ako, hindi naman ako jejemon, well slight lang, marunong rin naman ako makaintindi ng english kahit mali grammar ko noh!
Pero bakit nga? Siguro selos ka sa byutipool pays ko noh?! CHAROT!
Pero seryoso......
HAPPINESS, WHERE ARE YOU?
************************************************************
Yeyyyyyy! Tapos na ang Prologue! Next is Chapter 1 na po! Happy Reading!
Vote
Comment
And keep readingKamsa!!
BINABASA MO ANG
Happiness, where are you?
Teen FictionSana si Happiness ay puwede na lang i-text. Yung tipong sasabihin mo sakanya: 'Happiness where na u? dito na is me.' Pero hindi eh, masyadong pabebe si happiness, ayaw niya ng mga jejemon na text. Hindi kasi siya makaintindi ng kulang-kulang ang let...