Adeline Phoebe Monreal's Pov:
"Araaaaay! Huhuhu. Masakit! Tama na kasi! Huhuhu!" Im in the middle of a very serious problem right now. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Sawang sawa na talaga ako. Pagod na pagod na ako.
Kaya naman....
"Aray! Ano ba?! Bakit mo ako binatukan? Masakit bessie ah!"
Ang malaki at kritikal lang naman na problema na hinaharap ko ay ang bestfriend ko na timang. Pano kasi kanina pa iyak ng iyak at sigaw ng sigaw dahil nalaman niya na yung crush niya ay may Girlfriend na. Sus! Laos na yan!
Mun-timang eh noh? Pumunta lang naman siya dito sa bahay at nanggising ng napaka-aga para lang ngumawa ng ngumawa! Ang pinaka ayoko pa naman sa lahat ay yung ginigising ako ng maaga tuwing weekend!
"Ano ba?! Yan lang nang bubulabog ka dito ng maaga?! Kainis naman oh! Tabi nga diyan at matutulog ulit ako."sabi ko sa aibigan kong timang at sabay sipa sakanya. Kaya ayun hulog.
Yung bestfriend ko nga pala ay si Liana Von Hedger. Siya yung kanina pa ngawa ng ngawa at yung nagmumukha ng timang.
So ayun nga dahil alam ko namang wala na akong takas diyan dahil mag-iingay lang yan at di na ako makakatulog, edi bumangon na lang ako at hinayaan ko siyang mag-drama.
"Kasi naman bessie eh.. Pagka gising ko kinuha ko yung phone ko tas pagka-bukas ko ng facebook eh ang una kong n-nakita... Uwaaaaaah! Ay yung picture nila n-na *sighot* magkahalikan *sighot* tas meron pang caotion na heart uwaaaah! *sighot*"
Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya di ko napigilan na matawa dahil ang panget niya. Uhugin! Hahaha.Pero echos lang. At syempre bilang napaka-bait at napakaganda niyang bestfriend, niyakap ko siya at pinatahan.
"Ano ka ba naman! Wag mo nga siya iyakan, hindi naman siya worth-it para sayangin ang uhog este—luha mo. Marami pang iba diyan sa tabi-tabi. At saka malapit na twenti-tri mag be-break din yan!" Mahabang speech ko.
"Loka ka talaga! Napaka bitter mo."
"Magandang bitter dapat."
"Kadiri naman!" Loka toh ah! Pagkatapos kong i-comfort lalaitin ako. Bad.
Pagkatapos ng lokohan namin ay tumahan din naman siya. See? Ang galing ko talaga mag-patahan ng mga timang na umiiyak. Maganda na nga, mabait pa! Oh san ka pa? Sakin ka na.
Charot lang bwahaha!
Pero si loka kung kanina ay umiiyak ngayon naman inuubos ang pagkain ko. Ang dahilan niya ay 'depressed' daw siya kaya dapat ko daw siyang pakainin.
Dapat pala kanina ko pa yan sinipa palabas ng bahay eh. Leche.
Sabado pala ngayon at walang magawa. Ayoko namang lumabas ng bahay dahil allergic ako sa araw at usok. Masyadong sensitive ang napaka-ganda kong skin. Charot! Hahaha!
Pero di ko kasi ugaling lumabas ng bahay. Kanina pa nga ako kinukulit ni bessie pero ayoko talaga. Taong bahay ako eh.
Anyways, dahil walang magawa nanood na lang ako ng K-drama buong araw. Pinalayas ko na rin si bessie bago pa niya ubusin lahat ng pagkain ko.
Alas-tres na ng hapon at tapos na ako manood ng K-drama. Wala na akong magawa kaya nahiga na lang ako.
Narinig kong bumukas yung pintiuan namin sa baba. Andyan na siguro si mama. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Matutulog na lang ako para mamaya makapag puyat ulit ako.
Narinig kong bumukas ang pintuan ko, Kukunin siguro ni mama yung mga labahan ko kaya hindi ko na lang pinansin. Magkaaway kami ni mama ngayon dahil di niya ako binilhan ng chocolate.
BINABASA MO ANG
Happiness, where are you?
Teen FictionSana si Happiness ay puwede na lang i-text. Yung tipong sasabihin mo sakanya: 'Happiness where na u? dito na is me.' Pero hindi eh, masyadong pabebe si happiness, ayaw niya ng mga jejemon na text. Hindi kasi siya makaintindi ng kulang-kulang ang let...