Chapter 3

4 0 0
                                    

Hmmm... Bakit parang may nakayakap saakin? Hmmm... Ang bango ng hinga. Sino kaya ito?

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Kumbaga disney princess ang peg ko. Nang nabuksan ko na ang mga mata ko isang poging nilalang ang sumalubong saakin.

Wait! Poging nilalang?! What?!!

"Ahhhhh!" Napasigaw ako at natulak ko yung nakayakap saakin. Omygosh, did i just say poging nilalang? Omygosh!

"Ano bang problema mo?!"
Sigaw ni Spense habang kinukusot kusot ang mata niya.

Opo, tama kayo, si Spense nga ang nakayakap saakin kanina. Like ewww... Paano kaya nangyari yun?

"Bakit ka nakayakap sakin?! May ginawa ka noh?! Alam ko namang maganda ako pero sana naman wala kang ginawa saakin!" Sigaw ko pabalik habang niyayakap ko ang sarili ko.

"What the?! You human being!! What made you think that I did something horrible to you?! Even a monkey won't even like you! You ruined my freaking sleep you ugly stupid human being!" Sabi niya na para bang anytime ay sasabog na dahil sa sobrang galit. Tinignan muna niya ako ng masama at lumabas na rin ng kuwarto at padabog na sinara ang pintuan.

Okay? Hehe, sabi ko nga, wala nga siyang ginawang masama saakin. Hehehe.

Lumabas na rin ako dun sa Theater room kung saan kami natulog. Ewan ko ba kung saan nagpunta yung iba dahil kami lang ni Spense ang nandoon kanina. Iniwan nila ako sa supladong iyon. Huhuhu, how bad.

Dumiretso na ako sa kuwarto para gawin ang morning routine ko. I checked the time and its already 8:09 a.m. Maaga pa pala kaya nagdesisyon akong mag babad sa bathtub. Pagkatapos ko ay nag-ayos na ako. Isang simpleng black jeans lang ang suot ko na tinernuhan ko ng white long-sleeved polo and white doll shoes. I decided na ilugay na lang ang buhok ko at maglagay din ng lip-balm.

Nang matapos akong mag-ayos, kinuha ko na ang mga gamit ko at dumiretso sa kusina. Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko ang mga kaibigan ko na nagtatawanan. Tignan mo tong mga toh, akala ko ba umiwi na sila? Bat nakikikain sila? Omygosh...yung pagkain ko sa ref baka nakita nila!

Dali-dali akong tumakbo sa kusina para i-check yung chocolate cake ko. Nagulat naman sila dahil sa biglang pagsulpot ko pero wala akong paki. Tinignan ko yung ref at nakita kong wala na ang chocolate cake ko. Dahan dahan akong lumingon sa mga patay gutom kong kaibigan at sinabing...

"SINO. KUMAIN. NG. CHOCOLATE. CAKE. KO!!?" Diin na sigaw ko.

Napalunok naman agad sila ng laway nila at sabay sabay tinuro si Prans na may tira tira pang chocolate fudge sa kanyang bibig. Agad naman napatingin saakin si Prans na may nanglalaking mata.

"Im doomed! Waaaaaah!" Sigaw niya at bigla na lang tumakbo ng pagkabilis bilis. Agad ko naman siyang hinabol. Aba hindi pwedeng ganoon noh! Hit and Run ang peg. Sasapakin ko talaga ito pagnahuli ko siya.

Hinabol ko siya ng hinabol. Paikot-ikot na kami sa bahay at naririnig kong nagtatawanan ang mga kaibigan ko. They are even video-ing us. Nang sa wakas ay nahuli ko na din si Prans dahil hindi na ata niya kinaya ang pagtakbo, agad ko siyamg pinagpi-pingot.

"Bakit mo kinain ang chocolate cake ko?!! How dare you!! Uwaaah sakin yon eh!!" Maluha luha kong sabi kay Prans habang pinagpi-pingot ko siya.

"Araaaaaay!! Phoebs, masakit!"

"Wala pa nga yan sa ginawa mo sa chocolate cake ko eh. Palitan mo yon!"

"Oo na pashnea! Papali— *boooooogsh*"

Agad na napatigil si Prans sa pagsasalita dahil sa narinig namin na pagbagsak sa itaas. Nagkatinginan kaming lahat at parehas nagtanungan. 

Happiness, where are you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon