I can't

3 1 0
                                    

Madaming tao ang malayang nakakapamuhay sa mundo. Sabi kasi nila, masaya ang mundo kapag marami kang kaibigan at marami kang nararating sa buhay. Pero paano kung ayaw mong makisalamuha sa ibang tao? Maiintindihan ba nila kapag sinabi mong mas masaya ang mundo mo kaysa lumabas at maglakabay para maranasan mo ang magandang buhay? Mahihirapan silang maniwala na masaya kang mag isa pero sa totoo lang masaya ka naman talaga. Paminsan nga ang hirap magpaliwanag lalo na kapag iba ka sa kanilang paniniwala at opinyon sa buhay. Bahala silang manghusga. Pare pareho lang naman tayong tao na may kanya-kanyang pag-iisip. Malay niyo ba sa buhay ng iba. Wag niyong tingnan sila na parang mas mababa sila kaysa sa inyo kasi naiiba sila. Maniwala kayo o sa hindi mas masarap kausap ang taong inosente kesa taong mabunganga at madaming alam sa mundo.

DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon