Chapter 23

3.7K 67 17
                                    

Nicole POV

Simula ng unang meeting niya nung bagong taon, nagbago na yung pakikitungo ni Jake sa akin. Alam mo yung tipong iwas na siya sa akin.

Gusto ko magtanong kaso natatakot ako sa maaaring isagot niya. Lalong na ng malaman ko kung sino yung na kameeting niya.

Ang masakit pa dun hindi siya mismo yung nagsabi sakin. Pero pilit kong itinatago na alam ko na kasi baka sabihin niyang wala akong tiwala pag nagtanong ako.

Kahit malamig yung pakikitungo niya sa akin, pinakikisamahan ko pa din siya na parang walang nagbago sa kanya at parang walang nangyari sa amin ng muntikan ng mawala si baby sa amin, buti na lang andun si Ethan at Kath.

"Hubby! kain ka muna bago ka umalis. nakahain na yung pagkain mo" Pigil ko sa kanya ng makita ko na palabas na siya ng bahay namin.

"Wag na. marami pa akong aayusin ngayon sa office" sabi niya habang hindi siya sa akin nakatingin.

"Sayang naman yung linuto ko na favorite mo" paawa effect ko, sana tumalab naman.

"Hindi ko naman kasi sinabi sayo na paghandaan mo pa ako, alis na ako" nagmadali siya maglakad papunta sa kotse niya. wala man lang kiss o kaya naman maski lingon man lang wala din.

Konti na lang baka sumuko na ako nito. ilang buwan na siyang ganyan.

2 months na lang manganganak na ako pero d ko masabi sa kanya na magleave naman siya sa company niya kahit isang buwan lang para may makasama ako dito sa bahay pero mukhang busy siya sa work.

Ano ba nangyayari sa kanya?! nakakabahala na kasi mga kilos niya. na realize  ba niya na hindi niya talaga ako mahal?

Ang hirap ng ganito. Baby, kaya natin ito ah.

Wag natin sukuan si Daddy!

Tama! pupuntahan ko na lang siya pag lunch time na para dalhan ko siya ng pagkain niya. Sobrang busy naman kasi niya.

Jake POV

Inis na naupo ako ng makarating ako sa office ko.

Ang tagal ko na pa lang umiiwas kay Nicole. Ang laki na ng tyan niya, hindi ko man lng siya nasasamahan sa mga check ups niya at lalong hindi ko siya naalagaan ng muntikan na mawala si baby samin. buti nandun sila Kath. Hindi ko naman kasi alam ang gagawin eh. Naguguluhan ako.

Bakit naman kasi sa dinami dami ng pwedeng maka meeting si Iya pa talaga? bakit ba siya bumalik at nagngungulit sakin? Hindi ko na alam yung tamang gagawin ko. kaya lagi akong umiiwas kay Nicole simula ng makameeting ko si Iya after new year.

Flashback....

"Sir Jake! naayos ko na po yung meeting niyo ni Ms. Smith sa restaurant na malapit dito sa office" sabi sakin ni Mark.

"Thank you Mark! kahit sobrang aga pa nito para ngayong taon"

"okay lang Sir. Mukhang gusto po talaga kayo makameeting agad nung client natin"

"sige. punta na ako dun para maclose na natin yung deal at makauwi ako ng maaga sa asawa ko" natatawang sabi ko.

"Inlove na inlove talaga kayo sir ngayon. "

tumayo na ako at hinawakan siya sa balikat. "subukan mo na din kasi maghanap Mark. wag puro overtime sa work, malulugi ako kakabayad sa ot mo" pabirong sabi ko

Deal 1: One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon