Chapter 27

4.4K 83 5
                                    

Jake POV

Halos tawagan ko na lahat ng kaibigan ni Nicole, kasi pag uwi ko dito sa bahay namin akala ko andito na siya pero wala pa din.

Hapon na pero wala pa din siya. Ayokong isipin na iiwan na niya ako dahil sa nakita niya., Iniisip ko pa lang na makikita ko siya na palayo sakin para na akong tatakasan ng katinuan ko.

Promise ko pag kauwi niya. magsasabi na ako ng lahat lahat ng tinagonko sa kanya.

Nawala ang mga iniisip ko ng marinig ko na bumukas yung pintuan ng bahay namin at nakita ko ang asawa ko.

"Wifey!" agad na tawag ko sa kanya habang palapit ako sa kanya.

Naramdaman ko na sobrang ilang siya sa akin ngayon. Pero hindi dapat ako mainis dahil kasalanan ko naman lahat.

"S—sorry Wifey"

Nilagpasan niya ako at sinundan ko siya kung saan siya papunta. Agad siyang umupo sa sofa at tumingin sa akin.

"Gusto mo bang mag explain?" tanong niya sa akin.

"O—oo."

"Ok"

"About dun sa nakita mo kanina Wifey. promise hindi ko yun gusto"

" Siya ba yung client mo after new year?" walang emosyon na sabi niya

"Oo Wifey"

"Kaya ba nung umuwi ka after mo sa meeting nag iba ka na? mahal mo pa ba siya? iiwan mo na ba kami ni baby?" sunod sunod na tanong niya habang nakikita ko ang mga luha na pumapatak galing sa mata niya

"Wifey, oo aaminin ko siya yung client ko after new year. ayoko lang sabihin sayo dahil baka magalit ka sa akin"

"Alam mo Jake, matatanggap ko kung sayo mismo manggaling na nakita mo si Iya at magiging client niyo pa nun. "
huminga siya ng malalim at nagsalita ulit. "matagal ko na din alam na si Iya yung kliyente niyo pero hindi ko sinabi sayo."

"Wifey sorry."

"alam mo yung araw na muntikan na kaming mapahamak ni baby? yun yung araw na nakita ko yung kakilala mo at nabanggit niya yung regarding sa project na ginagawa mo"

sobrang tagal na pla niyang alam. mas lalo akong naiinis sa sarili ko.

"Nasaktan ako nung tinanong kita kung importante ba yung client mo or yung project mo, tapos sumagot ka ng oo" hindi pa rin siya tumitigil sa pag iyak.

"Natakot ako Jake na baka iwan mo ako. kaya naman pilit kong inaalis sa utak ko na nagkikita kayo ni Iya. kaya naman ginagawa ko pa din yun lagi kong ginagawa dito sa bahay" huminto siya saglit at tumingin sa akin

"Pero lagi mo sa akin pinapakita na baliwala ako sayo, lagi kang lumalayo kahit na pilit ko pa din pinagsisiksikan yung sarili ko sayo"

hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman yinakap ko na siya ng mahigpit.

"wag ka ng umiyak wifey. sorry na. ako ang may pagkakamali. sorry na. wag ka ng umiyak"

"May balak naman kasi ako na sabihin sayo noon kaso yun nga nung muntikan ng mapahamak si baby natakot ako na baka mastress ka pag nalaman mo na si Iya yung client ko."

"kaya lagi akong lumalayo at hindi ko pinagtutuunan ng pansin yung mga ginagawa mo sa akin, pero promise wifey. nasasaktan ako tuwing ginagawa ko yun sayo" Hindi ko na din mapigilan na umiyak.

"Mahal na mahal kita wifey. kaya minabuti kong pagtuunan muna ng pansin yung project para matapos muna agad yun at magkaroon na ako ng time para sa inyo ni baby"

"J—jake"

"hmm?"

"sorry din ah."

"wag kang mag sorry wifey. ako naman talaga yung may mali eh. kaya sorry wifey."

"pwede ba akong humingi ng pabor sayo?" nakayuko sabi niya.

"oo naman, kahit ano maging ok lng tayo."seryosong sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"uuwi muna ako samin. kahit ilang linggo lang"

"ANO?! wifey naman. bakit yun ang gusto mo? d mo pa ba ako napapatawad?"

"Kahit ilang linggo lang Jake.. sana pagbigyan mo ako."

"Nicole naman. malapit ka ng manganak. pano na lang pag lumabas si baby tapos wala ako da tabi mo?!"

"Kila mommy at daddy lang naman ako eh, gusto ko lang makapagisip at makapagrelax"

"Hindi na ba magbabago yung isip mo wifey?"

"Hindi na. gusto ko muna mag isip"

"sige wifey. ihahatid kita kila mommy pero wag mo ako pagbabawalan na pumunta dun para makita ka ah."

"oo naman. mabuti na din yun para makapagrelax din tayo sa mga nangyarj sa atin"

"Thank you wifey."

"But please Jake! tapusin mo na yung project at layuan mo na si Iya, bago pa lumabas si baby kung hindi mo magagawa yun bahala ka hindi mo kami makikita ni baby ng matagal"

"Wifey. wala naman ganyanan"

Hinatid ko din si Nicole kila mommy kinabukasan at naintindihan naman nila yung nangyari. Mabuti na din daw yung naging desisyon ni Nicole na pumunta muna sa knila kahit pansamantala lang.

Gagawin ko na yung sinabi sakin ni Wifey. tatapusin ko na yung project ng matapos na yung pakikipagkita ko kay Iya.

------------------------

sorry mga loves. sobrang tagal ng sumunod na chapter. 😘😍

Last 3 chapters na lng po ito. tatapusin ko muna ito bago ako mag update sa deal 2. 😊😊 hahahahaha

Deal 1: One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon