Chapter 25

4.1K 75 4
                                    

Nicole POV

After ko umasa na sasamahan ako ni Jake sa OB ko, ako na lang yung pumunta kay Dra. at binigyan niya pa ako ng mga additional na mga vitamins para mas maging healthy pa si baby kaya naman nag punta muna ako sa mall..

Naglalakad lakad ako ng makasalubong ko yung isang classmate ni Jake. buti nakilala ko din siya, sikat din kasi ito dahil varsity player at may kasama din siya na babae, girlfriend siguro.

lalagpasan ko na lng sana sila pero nagulat ako ng kausapin nila ako.

"Nicole right? kamusta na? natatandaan mo pa ba ako?"

tumango na lang ako at nginitian ko sila parehas. "oo. Anthony db?"

"oo.  si Jake nasan?"

"nasa client niya. may inaasikaso."

"ah ganun ba? busy talaga si Jake"

"oo nga eh. workaholic na nga siya"

"ganun talaga yun. demanding pa naman siguro si Iya"

"Huh?"

"Si Iya yung client niya db? siya yung nakita ko na kameeting niya after new year at balita din sa office namin ang pagkademanding nun!"

"ah oo nga eh sabi nga ni Jake. Sige una na ako ah. Bye." hindi ko na siya inantay na makasagot dahil napupuno na naman ang utak ko ng mga tanong.

kaya ba ayaw niya pagusapan yung regarding sa naging meeting niya ay dahil si Iya yun? gusto na ba niya bumalik kay Iya kaya siya cold sa akin? At pag tinatawagan siya na pumunta sa site ay lagi siyang nagmamadali?.

naguguluhan na ako.. ayoko malaman yung isasagot niya pag nagtanong ako. kaya hindi ko muna sasabihin na alam ko na kung sino yung client niya.

hapon na ng makauwi ako sa bahay at wala pa din si Jake. Hindi ko na maiwasan na mag isip ng hindi maganda lalo na kung dun siya pumupunta.

what if... bigla na lng niya sabihin sa akin na hindi na niya ako mahal at sasama na siya kay Iya? Hindi ko kaya yun.

nawala ang pagiisip ko dun ng biglang sumakit ang tyan ko.
Baby. sorry if ang daming naiisip ni Mommy ah.

"ah! baby kapit lang. ouch. ang sakit. ah!!"

Agad kong tinawagan si Jake, dahil hindi ko makayanan yung sakit ng tyan at sumabay pa yung puso ko na sumasakit din kakaisip kila Jake at Iya.

Ngunit ilang rings na wala pa din sumasagot. sino na tatawagan ko? agad kong naisip si Ethan kaya naman dinial ko na agad.

wala pang ilang ring sinagot na niya.

"Nic nic? bakit?"

"Help me please! andito ako sa bahay. help me."  binaba ko na yung call at sinubukan ko ulit tawagan si Jake pero wala pa din.

Nagulat ako ng walang pang 2 mins. andito na si Ethan kasama si Kath.

"OMG! ano nanyari sayo Nicole?" gulat na tanong ni Kath at agad na binuksan yung pinto ng makita na binuhat na ako ni Ethan.

Nang maisakay na nila ako sa kotse narinig ko na may kinakausap si Kath sa cellphone.

"asan ka ba? papunta kami ngayon sa ospital. dadalhin namin siya dun. sumunod ka! ngayon na." sunod sunod na sabi ni Kath. halata sa boses niya na inis na siya sa kausap niya...

Deal 1: One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon