Chapter 3

8.6K 162 18
                                    

Kath POV

Nang makaupo na kami ni Jake sa plane ay napansin ko siya na nakatingin dun sa wife niya na para bang takot dahil mag- isa siya.

"Hey!"

"What?" sabi ni Jake sa akin

"Talaga bang wala kang gusto doon sa asawa mo?"

"None"

"Eh bakit todo tingin ka pa dun?"

"Ang dami mo naman napapasin 'HON' " nakangising sabi niya

Natawa ako bigla dahil sa pagbabago ng mood ni Jake! bahala na nga siya. Go with the flow na lang muna ako

Hindi na ako nagsalita pa. magpapahinga muna ako dahil sigurado pag dating namin dun ay kailangan ko maging alerto para hindi naman maging kawawa si Jake sa piling ni Nicole!

Mahal ko si Jake at hindi ko hahayaan na masira ng basta basta ang pangarap nya.

Nicole POV

Magtatanghali na ng nakarating kami sa hotel. Nakakainis dahil hanggang sa hotel na tutuluyan namin nakakuha si Kath ng room na malapit lang samin? Nalaman ko yung name niya nung tinanong siya nung receptionist para dun sa pinareserve niya.

"Hon kain tayo after natin malagay yung mga gamit natin sa kwarto ah" sbi ni Kath kay Jake

"Sure just wait me at the lobby"

Yayayain kaya ako ni Jake na kumain? Sana naman para ganahan ako kumain

Laking pasasalamat ko na lang ng malaman ko na nasa ibang floor yung nakuha ni Kath akala ko pati yung room eh sobrang dikit..

Nang makapasok na kami sa room na pinareserve ng parents namin kinausap ako ni Jake

"Kumain ka na lang pag nagugutom ka, wag mo na ako hihintayin" sabi niya ng hindi tumitingin sakin

"Ah sige" sabi ko na lang.

After niya malagay yung mga gamit namin sa room wala syang paalam na umalis na sa kwarto namin

"Baby wag ka magalit kay daddy mo ah, kahit ganun yung pinapakita nya sa atin ah, love ka pa rin niya tandaan mo yan" sabi ko habang hinihimas ko ang tiyan ko

Ang hirap pala pag ikaw lang yung nagmamahal, pero Nicole wag na wag kang susuko, dahil malay mo mahalin ka din niya.. pagpapalubag loob ko sa akin

Nakaramdam ako ng konting antok at pagod kaya naisipan ko munang matulog at magpahinga..

After ko na lang matulog tsaka tayo kakain baby ah.. pahinga muna tayo baby..

Kath POV

Ang sarap naman nito special treatment galing kay Jake..masaya ako na lagi niya akong linalambing kahit na wala naman label na matatawag yung relasyon namin..

Best vacation ever! Buti na lang hindi trip isama ni Jake yung asawa niya sa mga activities na pwedeng gawin dito sa Boracay..Buti na lang nagagawa namin yung gusto namin..hahaha

Maglambing kaya ako sa kanya na sa akin na lang siya matulog? Alam ko naman na hindi niya trip yung asawa niya eh at napipilitan lang siya na pakisamahan yun dahil sinabi nito na si Jake daw ang ama ng pinagbubuntis niya

"Jake ok lng ba kung sa kwarto ko ikaw matulog ngayong gabi?" paglalambing ko

"Sige titignan ko" sabi niya na ikinangiti ko

Jake POV

After namin mamasyal ni Kath, nauna na siya sa kwarto niya.. Ako naman ay pabalik na sa kwarto namin ni Nicole.

Deal 1: One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon