Oh My Gosh!Heto na naman sya!
Kahit paulit ulit kamang dumaan sa harapan ko ay di parin mawalawala ang kilig at tuwa na dala mo sa tuwing nakikita kita.
This is it!Pansit!
Habang palapit ka ng palapit sa akin dok ay nasisilayan ko ang malaanghel mong mukha.
-May mapang-akit ka pang labi na sing pula ng makupa , Grr.
-at ang mata mong mapupungay na kapag tumitingin sakin , Ay Dyos miyo! Abay pwede na akong mamatay . As in agad agad!
Ito na dok oh ! ibibigay ko na ang sexy body ko.
LOL
-No!
Dapat pavirgin , dapat mahinhin ako sa harap ni Dok baka naman sabihin nyang kiringking ako, mahirap na.
Bago ang lahat ay hayaan nyo muna akong magpakilala.Ako nga pala si Nadine ,malamang naiingayan kayo sa akin ngunit wag kayong mag alala dahil hanggang sa isip lang ako maingay, dahil ang totoo di ko kayang maipahayag ang saloobin ko sa maraming tao. Katunayan nga nyan maraming nagsasabing tahimik at mahiyain ako, ngunit kabaliktaran ang lahat lalo na pagnakilala nila ako.
Sout ang aking puting damit na nilabhan pa gamit ang ariel ,lagi akong nagpapapansin kay Dok tuwing nagrorounds sya sa mga pasyente.Kaya lang kulang pa yata ang foundation ko sa mukha at dinadaandaanan nya lang ako.
Ilang taon na din kaya akong nanatili sa hospital nato, kung di lang kay doktor James , ay naku! matagal na akong nagabroad at naghanap ng foreigner kaya lang ilang taon nya na din dinadaandaanan ang beauty ko.
Hanggang isang araw may nangyari na di ko talaga inasahan. Mainit ang panahon non at namumula pa ang aking pisngi dahil bagong derma, syempre para gumanda lalo.
Naglalakad ako sa pasilyo ng biglang tinawag ni dok ang pangalan ko kaya naman napalingon ako na tila nakaslowmotion ang lahat ng nangyayari.
"Nadine! Pwede bang kunan mo ng tissue specimen si ms. Amber, room 06.
Kung gaano kaslowmotion ang paglingon ko ganon naman kabilis ang pakikipagusap nya.Speechless nga lang ang beauty ko na nakatitig lang at ang tanging nagawa ko lamang ay tumango.
Hindi don nagtapos ang masasayang araw ko sapagkat habang lumilipas ang panahon,nadama kong napapansin nya na ako.
Katunayan nga lagi raw tinatawag ni dok ang maganda kong pangalan kahit nakaoff duty ako.
Iba talaga pag maganda!
Totoo yan kasi narinig ko mismo sa mga bibig nya."Ang ganda mo talaga Nadine , Ang swerte ng magiging boyfriend mo"sabi ni dok James.
Deep inside gusto kong magtatatalon sa sobrang tuwa ngunit sa reyalidad ay di man lang ako nakapagsalita non.
Naramdaman kong mahal na nya ako! Totoo na to promise! Alam kong may Pagtingin din si dok sakin .Pansin ko sa kanyang mga kilos na katulad sa mga nababasa kong love story sa wattpad.
Naging totoo nga ang lahat noong binigyan nya ako ng imported na tsokolate at mapupulang rosas.
Grabe ang haba ng hair ko .
Masayang Masaya ako non at ramdam kong nanliligaw na sya sakin.
Ngunit..-
-natigil ang lahat noong dumating ang bagong nurse na si Ysabelle.
Pareho kaming maganda kaya naman di naglaon naging magbestfriend kami. Ang bilis kong nagtiwala sa kanya ngunit di ko lang talaga inaasahang magagawa nya akong pagtraydoran.
BINABASA MO ANG
Take your medicine
NouvellesAng kwentong "take your medicine" ay naglalaman ng one shot story tungkol sa babaeng nangarap, umibig at nasaktan.