CHAPTER 3:

751 29 0
                                    

   
"Wow! Kape! Salamat pre nag-abala ka pa." akmang kukunin ni Robert ang isang tasa ng kape na dala ni Claude ngunit mabilis na iniiwas nito ang hawak na tray na kinalalagyan ng tinimplang kape.

"Mag timpla ka ng sa'yo, para sa costumer 'to." wika ng binata at nilagpasan ang kaibigan.

"Pambihira!" Usal na lamang nito at kakamot kamot sa ulo na nagtungo na lamang sa loob ng counter.

Iniabot ni Claude ang dalawang mug ng kape sa mag pinsan.

"Wow! Who made this?" manghang tanong ni Rinoah ng kunin ang isang mug. It's not just a simple coffee with milk. Caffè latte with heart and arrow designed on it ang sinerved ng binata.

"Ako po ma'am." Claude's answered.

"Really? Nice, I thought you're just a waiter. I mean, tiga kuha ng orders etc."

"Ang daya,bakit sa kaniya may design sa'kin simpleng black coffee lang." nakaismid na sabat ni Laika.

"Parce que je suis meilleur que toi (dahil mas maganda ako sa 'yo)."

"Ah non,je suis avec vous plus belle (hindi ah,mas maganda ako sa'yo).

"Pare, ano daw sabi?wala ako naintindihan eh." Pabulong na tanong ni Robert na may bitbit na ding kape at tumabi ng upo dito.

"H'wag kang makinig kung hindi mo naiintindihan." Aniya at humigop ng kape.

"Bakit pre ikaw naintindihan mo ba?" Umiling si Claude.

"Kaya nga hindi ako nakikinig." ika nito.

"Tsk...may sa alien pala yang dalawang 'yan eh." At dahil isang upuan lang ang pagitan nila narinig iyon ng dalawang dalaga.

"Aliens comme nous?(alien daw tayo?)" tanong ni Laika sa pinsan.

"Uhhumm! Belle extraterrestre!(uhhumm! Magagandang alien)" bahagyang hiyaw ni Rinoah. Nagkatawanan ang mag pinsan.

"Pre pinagtatawanan ata tayo porke hindi natin sila maintindihan." si Robert.

Ilang minutong nanatili ang katahimikan. Naramdaman na naman ni Rinoah na may nakatitig sa kaniya.

"Pag ito talaga nahuli ko na naman tutusukin ko na ang mata nito." usal nito sa sarili,then she tap her left finger on the counter table counting 1,2 and 3...at mabilis itong lumingon sa kinauupuan ng binata.

"Huli ka!" She whispered. Hindi nga siya nagkamali dahil muling nagtama ang kanilang mga mata. Napalunok laway ang dalaga dahil pakiramdan niya natutuyuan ang lalamunan niya. Feeling niya naghahallucinate na siya,tumigil ang paligid,pati ang mga taong nandoon ay tila huminto. Dama niya ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso,ang lakas ng kabog niyon.
"What's wrong with me? I can't breathe. Why I do feel this way?" She whispered habang sapo ang dibdib. She looked at him, she feels hypnotized by his deep brown eyes na tinernuhan ng makakapal na kilay mahahabang pilikmata,ang matangos nitong ilong and his lips na parang ang sarap halikan,halikan,oo halikan. Muli na namang napalunok laway ang dalaga. "Ano ba 'tong pumapasok sa isip ko."

"Ehem!" malakas na tumikhim si Robert.

"May ibang tao pa rito oh! Andito pa po kami!" wika naman ni Laika.

"H-huh?!a-ah a-no kasi...aahh! Itatanong ko sana kasi,Kuya anong oras kayo magsasara?Oo yun nga! Anong oras pala kayo magsasara?" nauutal na sagot ni Rinoah.

"Alas kwatro ma'am kami magsasara." sagot ni Robert.
"Okay na sana pre eh,mukhang nabighani na sa'yo,kaso biglang KUYA" natatawang anas ni Robert.

"Kaganiginaga paga ngaga agakogo kiginugukuguyaga nigiyagan,pagag agakogo nagaiginigis hagahagaligikagan kogo naga yagan (kanina pa nga ako kinukuya niyan,pag ako nainis hahalikan ko na 'yan)." pagGG words ni Claude.

"Agang tagaagal nagamagan(ang tagal naman)." nakangising sagot ni Rinoah habang nakaharap kay Laika.

"Pre,naintindihan ka,at mukhang hinahamon ka."

"Alin ang matagal?"

"Onai..." pipigilan sana ni Laika si Rinoah sa paglingon pero mabilis na itong nakalingon sa nagsalita.

" yong hal---" naputol ang iba pa sanang sasabihin ng dalaga ng paglingon niya sa nagsalita ay gadangkal na lang ang pagitan ng mga mukha nila. Muli na namang nanuyo ang lalamunan nito. Hindi niya maiwasang hindi tingnan ang mga labi ng binata na unti-unting lumalapit sa kaniya. Lihim na napangiti ang dalaga. Lalapat na sana ang labi ng binata ng...

"Mang Romy! Buti dumating ka na,inaantok na po ako." biglang iwas at tawag ni Rinoah sa driver na namataan niyang dumating.

"Bakit hindi mo na lang ako tinawagan agad para kanina ko pa kayo nasundo." wika ng matanda.

"Eh,alam ko po kasing masarap pa ang tulog niyo, kaya hinintay ko na lang po kayo."

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ng dalaga ng iwan niya ang binata.

"S-sayang!ang bagal mo kasi. Tsk! First kiss na sana ng pinsan ko yon." palatak na usal ni Laika kay Claude bago sumunod sa pinsan.

"Sayang pre! First kiss daw oh,dapat sinunggaban mo agad! Tsk tsk! Halik na naging bato pa." si Robert.

"Sige pre,uwi na ako." Nakangiti nitong paalam kay Robert. Sayang hindi nga niya nahalikan,pero naramdaman niya dumaplis ang labi nito sa labi niya ng bigla itong umiwas. Atleast kahit daplis lang, nangingiting lumabas ang binata sa naturang bar.

"Nay, na love at first sight po ba kayo sa ama ko?" tanong ni Claude sa ina. Katatapos lang nilang maghapunan kaya naupo silang mag-ina sa maliit na sala.

"Ha? Bakit mo naman naitanong 'yan anak?"

"Wala lang 'nay."

Bumuntong hininga muna ito bago sumagot.
"Love at first sight,'yon bang unang kita mo pa lang sa kaniya,bumilis na ang tibok nito?" itinuro nito ang puso ng anak. "Yong unang kita mo pa lang sa kaniya,alam mong siya na."
"Kung 'yon nga,oo anak, na love at first sight ako sa ama mo..." ngumiti ito ng may pait. "...pero langit at lupa ang pagitan namin. Maraming tutol dahil hindi daw kami pantay."

"Ipinaglaban kaba niya?"

"Oo,pero ako ang hindi lumaban. Naging duwag ako,nagmakaawa ang ama mo,pero bumitaw ako. Inisip ko kasi,mga bata pa kami,kung ipagpipilitan ko ang sarili ko sa kaniya,itatakwil siya sa kanila. Ayokong masira ang kinabukasan niya ng dahil sa 'kin, ayokong masira ang mga pangarap niya ng dahil sa akin..." pinunasan nito ang nagbabadyang luha.
"Ang hirap anak,ang hirap magdesisyon dahil alam ko pareho kaming masasaktan,pero higit na nasaktan ang ama mo. Hanggang sa nalaman ko na lang ipinadala na siya sa ibang bansa. Alam ko,umalis siyang may galit sa akin." malungkot itong ngumiti at hinaplos ang pisngi ng binata. Hinawakan ni Claude ang kamay ng ina na nasa pisngi at hinalikan.
"Pero nawala man siya sa buhay ko,may iniwan naman siyang magandang ala-ala,at ikaw 'yon." niyakap nito ang anak. "Bakit mo nga pala naitanong? Inlove na ba ang binata ko?" nakangiti na itong bumaling sa binata.

"Siguro 'nay, ewan."

"Bakit naman?"

"Kanina ko lang ho siya nakita 'nay, at mukhang malabo na magkita pa ulit kami."

"Kung naniniwala ka sa tadhana, tadhana ang maglalapit sa inyo kung kayo talaga ang para sa isa't-isa."

"Pero 'nay,langit at lupa din ang pagitan namin." he took a deep breath.

"Anak isang pagkakamali ko ang hindi ko ipinaglaban ang ama mo,hindi ko binigyan ang sarili ko ng pagkakataon na patunayan sa kanila na karapat-dapat ako para sa kaniya. Kaya ikaw,hanggat hindi pa kayo muling pinagtatagpo,gawin mo na ang lahat para maging karapat-dapat. Patunayan mo sa sarili mo at sa kanila na kaya mo siyang ipaglaban. At pag pinagtagpo na ulit kayo,wag kang magiging duwag. Dahil oras na maduwag ka, habang buhay mong pagsisisihan na pinakawalan mo siya." Hinawakan ni Aling Lydia ang kaliwang kamay ng binata habang haplos ang kabilang pisngi nito.

"At isa pa,hindi langit at lupa ang pagitan niyo." wika pa ng ginang na ikinakunot ng noo ng binata.

"Dahil kung siya ang langit mo,Claude, ikaw naman ang ulap niya."  

MR. GIGOLO: LOVE ME LIKE YOU DO BY: IZAMUSHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon