CHAPTER 15:

700 27 0
                                    


   

"...and i love you..."

Napaawang ng bahagya ang mga labi ng dalaga dahil sa narinig. Naramdaman na lamang niya ang banayad na pagdampi ng labi ng binata sa kaniyang mga labi. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. "Kung panaginip lang ang lahat ng ito,ayoko ng magising."

He gently kissed her lips. He always longing for this, ang masabi niyang mahal niya ang dalaga. Bahagya pa niyang hinapit ang katawan ng dalaga ng maramdamang ikinawit nito ang mga kamay sa kaniyang batok. Ramdam niya ang bahagyang panginginig ng dalaga that is why he placed his left palm on her nape. Ang banayad na halik ay lumalim,puno ng pananabik,puno ng pagmamahal.

Binitawan ng binata ang mga labi nito upang makasagap ng hangin,ngunit nanatiling magkahinang ang kanilang noo. Inaarok ng binata ang nararamdaman ng dalaga. Nasa ganoon silang posisyon ng biglang may pumasok...

"Ehemm..."

Nanlamig si Rinoah ng makita ang pinsan na nakatayo sa may pintuan. Itinulak niya ng bahagya ang binata, ngunit hawak pa rin ang kamay niya.
Tiningnan niya ang pinsan,wala itong emosyon na mababanaag sa mukha nito nakatingin lang ito sa kanila partikular sa mga kamay nila kaya naman marahas na hinila iyon ng dalaga,ayaw niyang magkaroon sila ng sigalot ng dahil sa binata.

"Cuz, I can..."

"I just want to talk to him,kanina pa ako kumakatok kaso walang sumasagot kaya pumasok na ako." matipid na ngumiti si Laika sa pinsan saka lumapit sa binata. "Shall we?" she asked.

Nilingon ni Claude si Rinoah ngunit nakatutok na ito sa mga papeles.

Saka lamang nag-angat ng ulo ang dalaga ng marinig nito ang pagsara ng pinto ng opisina. Heto na naman siya,hindi mapigilan ang pag-agos ng luha sa kaniyang mga mata. Ang bilis naman niyang magising sa kaniyang panaginip. Totoo bang sinabihan siya nitong mahal siya ng binata o naghahallucinate lang talaga siya?Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Bakit ba kasi ang bilis niyang bumigay sa binata? Ngayon heto iiyak iyak na naman siya. Ang masakit pa,ang pinakamamahal niyang pinsan ang makakaagaw niya. Napabuntong-hininga siya, hindi niya kayang agawan ang pinsan niya.

Inayos niya ang sarili bago lumabas ng opisina. Inaya niya si Tina na sabay na silang maglunch. Naglalakad patungo sa elevator ang dalawa ng may biglang humawak sa siko ni Rinoah.

"Oh Leo! What are you doing here?" anang dalaga ng lingunin niya ang humawak sa kaniya.

"Hmmm... nagbakasali lang ako. So are you going to have lunch?"

"Ah...yap,wanna join us?"

"My pleasure! Akala ko ba may lunch meeting ka?"

"Ahh...yah,pero nagpare-schedule kasi yong gustong mag-invest kaya hindi tuloy ngayon."

"Oh so, right timing pala ako."

"Yah right! Kaya ililibre mo kami ni Tina." natatawang wika ng dalaga.

"Yon oh! Ililibre kami ni sir Leo!" palatak na wika ni Tina.

"No problem ladies! Basta kayo." kumindat pa ito na ikinakilig ng sekretarya.

Inalalayan ni Leo si Rinoah ng magbukas ang elevator,nasa 1st floor na sila.

"Diyan na lang tayo sa resto na 'yan para walang hassle." ika ni Rinoah na ang tinutukoy ay ang restaurant sa 1st floor.

Maagap na naghanap ng bakanteng table ang binata at inalalayan ang dalawang kasama.

Nagngingit-ngit naman ang loob ni Claude sa nakikita,papasok pa lamang ang tatlo ay nakita na agad niya ang mga ito. Hindi siya pansin ng mga ito dahil masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan pa ang tatlo. Gusto niyang sugurin ang mga ito at hilahin si Rinoah palayo sa lalakeng kasama nito.

MR. GIGOLO: LOVE ME LIKE YOU DO BY: IZAMUSHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon