"Rinoah Vasquez, Onai, Langit ko, mahal na mahal kita. I'm begging you. Please be my Queen,my wife and be mine?"
Hindi makapaniwala ang dalaga, is it a dream? or is this for real? kung panaginip lang ito sana magising na agad siya dahil ayaw na niyang umasa at masaktan, dahil hanggang ngayon masakit pa. Nanatili siyang nakatitig sa binata at patuloy sa pag-agos ang kaniyang luha. Bakit ba ayaw maubos ng pesteng luha na 'to?
Kinakabahan ang binata sa kawalang imik ng dalaga. "Langit ko?" akmang pupunasan ng binata ang mga luha nito sa pisngi ng biglang mag play ang projector screen kaya napalingon muli ang dalaga sa white screen.
"Hi cuz!" wika ng nakangiti niyang pinsan.
"Come on say yes! kinantahan na nga kita, listen to your heart sabi nga ng kanta ko diba? kaya wag ng pakipot." ika nito at kumindat. Sabay-sabay na itinaas ng mga empleyado ang mga placards na hawak, mula sa entrance ng building hanggang sa opisina ng binata. 'Marry Me; Be my Wife; Be my Forever; Be my Queen etc. at sa opisina " LANGIT KO, WILL YOU MARRY ME? PLEASE MARRY ME."Nag-appear din sa monitor ang fireworks proposal sa Baywalk.
Lumingong muli ang dalaga sa binatang nakatingin lang sa kaniya at kababakasan ng kaba ang hitsura.
Parang batang pinunasan ni Onai ang mga luha.
"Hoy!..." hinampas nito ang binata.
"...ikaw Mr. Gigolo, Mr. G! nakakainis ka, nakakainis ka! alam mo ba 'yon?" suminghot ang dalaga.
"Nakakainis ka,dahil sa loob ng anim na taon ginulo mo ang isip at puso ko. Nakakainis ka, dahil sa loob ng mga panahong 'yon palagi kong hinihiling na sana kasama kita, na sana nasa tabi lang kita. Nakakainis ka, dahil dumating pa sa point na inisip ko na nababaliw na ako, dahil kahit saan ako magpunta nakikita kita. Nakakainis ka, dahil sa isang araw na pinagsamahan natin ninakaw mo agad ang puso ko, nagawa mong guluhin ang isip ko. Nakakainis ka, kaya pala walang nagpursiging manligaw sa akin dahil hinaharang mo. Ang daya-daya mo, dahil all this time pala hindi ka nawala sa tabi ko, pinili mong maging anino ko. Tapos idadaan mo na naman ako sa sorpresa mo!?" nagpakawala muna ito ng hininga bago muling nagsalita."Pero kahit naiinis ako sa'yo... I will say Yes... yes! I will marry you. I will be your Queen, your wife and I will be yours till my last breath." mahigpit nitong niyakap ang binata.
"Ulap ko, I'm sorry! I'm sorry if..." hindi na naituloy ng dalaga ang sasabihin ng halikan siya ng binata.
"You don't have to say sorry. I understand. I love you so much Langit ko." wika nito ng bitawan ang labi niyon. Hinaplos nito ang pisngi ng dalaga at masuyong tinitigan. Nang hindi makatiis ay muli nitong siniil ng halik ang mga labi nito.
"Ehemm... baka pwedeng pagkatapos na ng kasal ang 2nd honeymoon ninyo?"
"Papa!" mabilis na bumitaw ang dalaga sa binata.
"Ang dami ng langgam oh!" si Laika.
"Pa'no tuloy ang kasal! Tuloy ang pagiging magbalae natin." ang ama ng binata.
"Wait! Hindi ko pa naisusuot ang singsing." muli itong lumuhod at isinuot sa daliri ng dalaga ang singsing.
"I love you so much Langit ko!" hinapit nito sa baywang ang dalaga at pinagdikit ang kanilang noo. Ikinawit naman ng dalaga ang mga braso sa batok nito at masuyong hinalikan ang kaniyang fiancè.
"I love you too Ulap ko!"
"Ready your self ha." wika ng binata, kasalukuyan silang nakaupo sa couch ng bar at pinanonood ang mga kasama. Nakasandig sa kaniyang dibdib ang dalaga habang sinusuklay-suklay ng kamay niya ang buhok nito.
"Ready for what?"
"For our wedding on friday."
"What?!" gulat na tanong ng dalaga humarap tuloy ito sa binata.
"Are you sure? Hindi ba masyadong mabilis? Kaya ba ng 4 days lang?" sunod-sunod na tanong pa nito.
BINABASA MO ANG
MR. GIGOLO: LOVE ME LIKE YOU DO BY: IZAMUSHY
RomanceHe knocked on the window of the car in front of him. And he was stunned ng masilayan niya ang maamo at magandang mukha ng babaeng nakasakay doon. Tila nagslowmo ang paligid. "Anong pumasok sa isip ng babaeng 'to para magbayad ng serbisyo ng katulad...