CHAPTER 6:

658 22 0
                                    

   
Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ang binata. But he just smiled at her. Bumaba ito ng sasakyan at mabilis nitong tinungo ang kabilang side upang pagbuksan ang dalaga.

"I just thought that you need someone to talk to that's why I bring you here." He explained. Instead na dalhin niya ang dalaga sa isang motel o hotel tulad ng nakagawian nila ng iba niyang costumer, dinala niya ito sa baywalk along Roxas Boulevard.

Mariing ipinikit ng dalaga ang mga mata at huminga ng malalim.
"Thanks God!" She whispered.

"Shall we?para maabutan natin ang sunset." nakangiting wika ng binata.

"Sunset?" namilog ang mga matang usal nito. Tumango ang binata.

"Let's go!" Excited nitong wika sabay hila sa kaliwang kamay ng binata na parang bata. Nakangiti namang nagpatianod na lamang ito.

Tinawid nila ang kabilang side ng kalsada kung saan may mga upuan na nakaharap sa dagat.

"Mas magandang umupo dito." Anang binata ng dalhin si Rinoah sa sementadong pader na hanggang baywang ang taas. Umakyat ito saka inalalayan ang dalaga. Tahimik na hinintay ang paglubog ng araw. Mariing pumikit ang dalaga at sinamyo ang hangin,ang amoy ng dagat. Samantalang tahimik na nakamasid lamang sa kaniya ang binata. Hindi pa rin siya makapaniwala na kasama niya ngayon ang babaeng naging laman na ng isipan.

Marahang nagmulat ng mga mata ang dalaga ng maramdaman ang pamilyar na titig. Lumingon siya sa gawi ng binata,hindi nga siya nagkamali. Napangiti siya ng biglang ibaling ng binata ang paningin sa dagat.

"Take off your sandals" Tumayo ang binata.

"Ha?"

Yumuko ang binata upang hubarin ang high heeled sandals ng dalaga. Binitbit iyon at muling tumayo. Inilahad niya ang kanang kamay upang alalayan ang dalaga sa pagtayo.

"Baka lang kako gusto mong lakarin o takbuhin ang kahabaan nitong pader na kinatatayuan natin."

"May pagkalampa ako,baka mahulog ako." pag-aalinlangan ng dalaga.

"Then I will catch you." He smiled.

Nag-umpisa ngang lakarin ng dalaga ang kahabaan ng pader habang nakasunod sa kaniya ang binata. Unti-unting bumilis ang lakad niya hanggang sa naging takbo.

"Hey!"

Malakas na tumawa ang dalaga. Nagpaikot-ikot ito habang nakadipa sa kawalan ang mga kamay. She's wearing navy blue off shoulder dress na above the knee ang haba,mabuti na lang nakacycling short siya. Nangingiti namang pinagmasdan ito ng binata sa ginagawa.

"Atleast nakangiti kana ulit." Bulong niya sa sarili.
"Hey!" mabilis na naagapan ng binata sa baywang ang dalaga ng makitang nahilo ito sa kakaikot.

"Be careful." Usal niya,habang hawak pa rin sa baywang ang dalaga. Sobrang lapit nila sa isa't isa kaya ramdam nila ang hininga ng bawat isa.

"You're going to catch me right? Thank you for catching me." She smiled at him saka inalis ang pagkakahawak niya sa balikat ng binata at inayos ang sarili.

"You want to shout?" He asked. Nakatayo pa rin sila habang nakatingin sa madilim na karagatan.

"Huh?" She was amazed,bakit parang alam na alam ng binata ang gusto niyang gawin.

"Isa sa mabisang pangtanggal ng galit,sakit o kung ano pa mang hinanakit sa dibdib natin ang pag sigaw. Hindi man matanggal atleast mabawasan yung bigat ng nararamdaman mo."

She looked around at nakita niyang marami maraming tao na rin ang naglalakad o nakatambay doon.

"Hindi ba nakakahiya?"

MR. GIGOLO: LOVE ME LIKE YOU DO BY: IZAMUSHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon