chapter 2

1.7K 9 0
                                    

Kinabukasan, muli akong sumulat sa kanya. konting quotes, konting pangangamusta. Take note, stationary pa gamit ko.para mukang presentable. Hehe. After school, siya na mismo ang nag abot sakin at nahiya naman ako kasi, nakatingin sakin ang iba kong classmate. May ilang araw narin ako sa school , at nakakilala narin ako ng bagong friends sa room naming.nkakatuwa ung pag fold nya sa sulat, heart shape sya.babaeng babae. Syempre nakakatuwa, kasi after naming magkakakilala sac r eh, marami rami narin akong naipong sulat mula sa kanya. sa response nya, may mga quotes din syang nilalagay. Nakakatuwa, kasi masyadong meaningful ang quotations na nilalagay nya.

After school. Muli kaming nagkita sa labas.. nakita nyang nakikipag usap ako sa isang girl na nakasakay sa tricycle. Nakita ko sya, ang gusto ko sanang mangyari, pansinin nya ko. Pero dinaanan lang nya ko na parang wala siyang nakita.

“diba si Vanessa yon?” sabi ni aprilyn. Bago kong friend na nakilala ko sa ibang section.

“oo sya nga” sabi ko..

“bakit parang hindi ka pinansin?”  muling tanong ni aprilyn.

“hindi ko alam. Baka hindi ako nakita” sagot ko na may halong pagtataka.

“habulin mo kaya?”  pilyang salita ng kaibigan ko.

“ayaw ko, nahiya ako. Baka hindi ako pansinin” sagot ko.

Nang makauwi ako ng bahay, dala dala ko parin ng tanong kung bakit hindi nya ko pinansin nong time na yun. Kasi kahit bago palang kaming magkakilala, kahit na sino ang kausap namin 2. Lagi paring kami nagbabatian.

LESBIAN STORY (the high school life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon