“kamusta kana?” tanong kong may halong pagka lungkot.
“eto, ganun parin. Mainit parin ako. Mamaya ako nalang mag isa kasi aalis yang kapatid ko mamaya.pupunta sya sa shop naming kasama si mama” pagkukwento nya.
“sino mag aasikaso sayo? May sakit ka pa naman.” Pagtatanong ko.
“wala, kaya ko pa naman tumayo, kaya lang nahihilo pa ko”
“ahhhmm. Gusto mo samahan kita dito? Wala naman pasok bukas eh. kung ok lang sayo” sa loob loob ko, natutuwa habang nagtatanong.
“nako wag na, baka hanapin ka ng mama mo. Nakakahiya naman sayo.” Pagtatanggi nya.
“ok lang ano kaba. Tatawag nalang ako sa bahay para hindi sila mag alala sakin” pangungulit ko para lang pumayag.
“ok sige.” Sagot nya.
“yess!! Pumayag rin.” At dun na nagpakita ng katuwaan.
Habang dumadaan ang gabi, marami na kaming napag kwentuhan. Kung ano anong mga kalokohan. Hanggang sa naging seryoso ang usapan.
“bakit parang hindi ka nadadalaw ng bf mo? Or text man lang.” seryoso kong tanong.
“wala akong boyfriend. Pero mayaman ako sa friends.” Sagot nya.
“sa ganda mong yan? Wala nanliligaw sayo?” pag uurirat ko.
“maganda ka dyan. Eh sa ala nga nanliligaw eh” pagtataray nya.
“hahaha.relax.nagtatanong lang naman ako” para maiba ang mood nya.
“tulog na tayo.” Pag aaya nya kasi mukang antok na.
“sige.gisingin mo nalang ako pag may kaylangan ka ah” pag papaalala ko sa kanya. na tipong pahiga na sa sofa.
“oh, san ka matutulog?” pabigla nyang tanong.
“dito sa sofa”. Sagot ko.
“maluwag ang kama ko. Dito kana. Sasakit ang likod mo dyan” pag aaya nya. At dun na nga ko natulog.
Hindi ako mapakali kasi halos magkadikit na kami. Pero kahit ganon natutuwa ang sa nangyayari kahit na hindi ko masabing gusto ko sya.
