“Kamusta ng ice cream, ubos ba” message tru txt pag uwi ko ng bahay.
“oh, txt agad? Kakahiwalay lang natin kanina ah” reply nya.
“hehehe. Wala lang. bakit masama ba? Sige na nga tutulog nako” sagot ko.
“joke lang, ikaw naman. Sarap ng ice cream. Salamat ulit ah”
“hehehe.bakit? mahilig kaba sa ice cream?” pagtatanong ko.
“oo, kahit masakit ang ngipin ko, nakain parin ako” sagot nya.
“edi araw-araw tayong mag ice cream.hahaha” pagbibiro ko.
“wag naman. Baka mawalan ako ng boses sa sobrang lamig non.” Sagot nya.
“ice cream kaba?” pagbibiro kong tanong.
“hahaha, bakit?” natutuwang ngtanong.
“gusto kasi kita”. Banat kong sagot.
“wag kang ganyan, d ako ice cream, tao ako” sagot nya.
“hahaha.. biro lang” nakangiti kong reply. Pero sa loob loob ko, totong gusto ko sya.
“oh pano, matutulog nako, tapos na ko sa assignment ko eh”. reply nya.
“oh sige, good night, sweet dreams, sleep tight.” Sagot ko.
“ok” maigsi nyang sagot.
Nakahiga nako pero hindi parin ako makatulog. Nag iisip ako ng kung ano ano.masasayang imahinasyon, what if kung kami. Masaya siguro. Pero malabong mangyari dahil, mukang malabong magkagusto sya sa isang tulad ko. Pero wala naman masama kung mag iimagine ako na kami. Tas masayang naglalakad habang hinahatid sya pauwi ng bahay nila. Ang sweet diba? 2am na, d parin ako makatulog. Sya lang lagi kong iniisip. Ayaw kong magsabi sa kanya kung ano ang feelings ko, kasi ayaw ko mag take ng risk pag nalaman nya na mahal ko sya.
Sa pag iisip ko hindi ko na namalayang nakatulog nap ala ako….
