8

122 6 0
                                    

Mag isa lang ako dito sa may garden nila Giana. Drinking my favorite mango juice while reading some magazines. This is so boring. Wala man lang akong pinagkakaabalahan.

"Miss Dara gusto mo na bang kumain nang lunch? Ipaghahanda ko na po kayo" sabi ni Aling Chona na hindi ko man lang siya nagawang tingnan nung umiling ako bilang sagot ko. "Pero alas dos na at hindi ka pa kumakain. Yung kain mo ay kanina pang alas nuebe" ramdam ko ang pag aalala niya. Inangat ko ang ulo ko at tinigil ang paglipat nang page nang magazine.

"I'm not hungry. I'm boring" nagmamaktol kong reklamo. Isang malapad na ngiti lamang ang sinukli niya sakin.

"Kailangan mong mag isip nang mga gagawin mo sa araw araw. Kasi kung hindi, maboboring ka talaga dahil lagi kang maiiwan mag isa" Huminga ako nang malalim at sumimangot. "Tawagin mo na lang ako pag nakaramdam ka na nang gutom ha?" tumango lang ako at umalis na siya. Pumasok na ulit siya sa loob nang bahay at naiwan na naman akong mag isa.

Umalis si Giana dahil may photoshoot daw sila magkakaklase. Para daw yun sa last project niya. Arts ang kinuha niyang subjects. Hilig niya kasi talaga ang mag drawing, mag paint at ayusin ang dipa tapos na drawing nang iba. That's one of the reason kung bakit kami nag click. We both love arts.

Pero ngayon, etong si Giana ay sobrang pabebe. Hindi niya ako pinapansin simula nang halikan niya si Sebastian. Sobrang affected kasi siya. Akala niya aamuhin ko siya. Bahala din siya kung di niya ako papansinin.

"Boss patawad na" rinig kong pagmamakaawa nang isang di kilalang boses nang lalaki. Tumayo ako para hanapin kung saan ito galing. Galing ito sa labas nang mansyon.

Lumabas ang isang magandang ngiti sa labi ko. Nakita ko ang nakatayo na naka leather jacket na lalaki habang tinututukan nang baril ang isang lalaking nakaluhod at nagmamakaawa sa kanya.

"You did not do your job. Dapat kang mamatay" sapat na para marinig ko ang sinabi nang may hawak nang baril. Mga tanga ba sila at dito pa sila magpapatayan? Tiningnan ko ang buong paligid. May mga taong nakasilip sa bintana nila pero di man lang nagsusumbong sa pulis. May isang lalaking naka motor ang san'y dadaan pero bigla na lang itong lumiko at bumalik kung saan siya dumaan. Ano bang klaseng tao ang mga nandito? "Sumakay ka na sa sasakyan nang matapos na to" dagdag nito.

Nanginginig na tumayo ang lalaking nakaluhod at natatarantang sumakay sa kotse. Malakas na sinara nang lalaking may hawak nang baril ang pinto sa passenger seat at saka umikot sa may driver seat. Nagtago ako nang palinga linga siya sa paligid. Nang makarinig ako nang pagsara nang pinto ay sumilip ulit ako. Binuhay na ang makina nang kotse at nung aandar na ito ay kinuha ko na ang favorite kong sandata sa aking likuran at saka tinarget ang gulong sa likuran nang kotse.

"Gotcha" I smiled widely.

"Anong ginawa mo?" nangangambang tanong ni Aling Chona. Humarap ako sa kanya at saka ngumiti at nagkibit balikat. Kita ko pa din ang takot sa kanyang mga mata. "Pumasok na tayo sa loob" bago pa man ako makatanggi ay hinila na niya ako sa loob nang mansyon habang palinga linga sa labas. Ano bang ginawa kong mali? Wala naman diba? Bakit ba siya takot na takot?

"Bakit mo yun ginawa?" Tanong niya sakin nung makapasok na kami sa loob.

"Masama po ba?" pagbabait baitan ko habang paupo sa single couch.

"Hindi ka dapat nakialam"

"Pero bakit po?" naguguluhan talaga ako sa nangyayari "Bakit walang pedeng makiaalam? Paano nakakapasok sa lugar natin ang mga ganong tao. Delikado para sa inyo"

"Oo delikado. Kaya dapat dika nakialam. Sigurado ako na hahanapin nila kung sino ang humarang sa mga plano nila" mukhang alam na alam na ni Aling Chona ang lahat nang nangyayari dito ah! Sadya atang nangyayari ang ganong klase nang sitwasyin dito at nagbubulag bulagan lang ang lahat.

The UNEXPECTED Guest is my new BossWhere stories live. Discover now