"K-kuya? A-ano ba yang sinasabi mo?" pagtatanggol ni Giana sakin. Bakit naman ako ang naisip niya? Alam na kaya niya kung sino ako?
"Bakit naman si Dara? Bro baka naman nasasabi mo lang yan kasi galit ka sa kanya?" saad ni Sebastian. Sige ipagtanggol mo ako. Ilalakad kita kay Giana.
"Sino ba ang kababalik lang dito sa Pilipinas? Diba galing kang Paris Dara? Baka naman may nakaaway ka dun kaya ka umuwe nang Pilipinas. Sad to say, they found you" matalim na titig ang binigay sakin ni Gian.
"Sa totoo lang. Wala kong kaaway sa Paris. Dito na nga lang ako nagkaroon nang kaaway eh" matalim din ang mga titig ko. Pero hindi kay Gian, kung hindi sa isang lalaki na kanina pa nasa gilid nang sa may tapat nang bahay namin. Hindi na ako nag isip pa. Bago pa niya mapaputok ang baril na hawak niya ay Mabilis kong kinuha ang dagger ko sa likod ko at maayos na pinatama sa kanya. Tumama ito sa mismong nguso nang baril niya.
"Ano bang ginagawa mo?" Sigaw ni Gian sakin. Nagulat kasi sila sa biglaan kong pagbato sa dagger ko.
"Pasok na sa loob" sigaw ko din sa kanilang lahat. Agad naman silang sumunod. Isinara ni aling chona ang mga bintana at pinto sa taas at sa likod nang bahay. Nagbabantay naman sa bintana si Albert. Sinisilip kung meron pang ibang umaaligid sa bahay.
"Kuya. Ano bang nangyayari? Sizzy?" ramdam ko ang kabang nararamdaman ni Giana pero alam ko din na may tiwala siya samin. "Let's just go"
"Hindi ganon kadali Giana" sagot ni Gian. Hindi ko maisip kung bakit may nakakapasok dito na masasama. Hindi ko din alam kung bakit mahirap makaalis. Ano bang meron na hindi ko alam?
"Wala na bang ibang paraan?" but it seems like Giana knows everything.
"Mag iisip ako Giana. Just calm down. Maybe we should go first to the UB" sagot ni Gian habang pinapakalma ang kapatid.
"Sugurado ka Gian?" tanong ni Migz habang nakatingin sa akin. His look says that I shouldn't be there.
"Anong UB?" Hindi ko na sila naiintindihan. Meron silang sikretong tinatago.
Walang sumagot sa tanong ko. Yung apat na lalaki na lang ang nagusap usap. Pagkatapos nun ay nag aya na silang umakyat sa taas patungo sa isang kwarto na tanging finger print ang password. Isang ordinaryong kwarto, may kama, table at chair. Simple lang ito pero nakuha ang atensiyon ko nang buksan ni Gian ang isang cabinet. Ang sahig nito ay may hidden lock na finger print lang din ang password. Bumukas ang shig at bnumungad ang isang hagdan.
Isa isa kaming bumaba don. Tahimik lang ako habang nagmamasid sa sinasabi nilang UB. Para na din itong isang dining area. May couch and flat screen tv. May refrigerator ito. Pero instead of wall ay mga cabinet ang nandon.
"Wow. Naninibago naman ako sa katahimikan mo Dara" pang aasar ni Sebastian na kina ismid ko naman. Bad shot kana sakin hindi na kita ilalakad.
"Sizzy this is their Underground Basement" nakangiting sambit ni Giana. Nakangiti na siya ngayon habang nakaupo sa couch at kumakain nang chips.
Bawat isa sa kanila ay may ginagawa. Si albert na may tinatawagan sa kaniyang telepono. Si Migz na naglilinis nang baril niya. I still don't know kung bakit siya may baril at kung san niya yun nakuha o kung madalas niya din yung dala. As if naman kasi na inuusisa ko siya diba? Si Sebastian lang naman ang madalas na nasa bahay at speaking of him? Ayun parang walang problema. Kinukulit si Giana. Lastly, si Gian. Kanina pa siya paikot ikot at palakad lakad. Ganyan siguro siya magisip. Ako? Naupo na lang ako sa isang single couch. Sumandal ako at nag crossed legs.
"Bro, hindi ko makontak sina Chad" bugnot na sabi ni Albert.
"Kelangan natin nang plan kung paano tayo makakaalis dito. Dahil sigurado ako, susugod na sila mamaya" sambit ni Migz.
"Sir Gian. Ma'am Gianna" basag sa katahimikan ni Aling Chona na nabigyan naman namin nang atensyon "Maari po ba akong umuwe na pag nakaligtas po ako dito?" ramdam ko ang pagpigil sa mga luha niya at ang lungkot na nararamdaman niya.
"Aling Chona naman" tumayo si Giana at lumapit dito saka yumakap "Wag ka pong mag alala, wala pong mangyayari sayong masama. You'll be safe. Promise"
"Makakauwe ka sa pamilya mo nang ligtas aling chona" kampanteng sabi ni Gian. Pero alam kong gigil na gigil na siya.
"Salamat po" nahimasmasan na si aling Chona. Magkatabi silang umupo ni Giana sa couch.
"Kelangan natin makontak si Chad. Kelangan makahingi tayo nang back up. Isang sasakyan na bullet proof. Para naman kahit paulanan tayo nang bala ay may shield tayo sa pagtakas dito." seryosong suhestiyon ni Sebastian.
"Patay nga ang cellphone ih" naiinis nang sagot ni Migz.
"Gian may naiisip ka pa bang ibang paraan?" tanong ni Albert.
"If we don't have any ch-"
"I have an idea" seryoso kong sabi nung pinutol ko si Gian sa pagsasalita. Lahat sila ay tahimik na napatingin sakin at nag aantay na nang sasabihin ko "In one condition. You'll tell me everything about this village and about you guys"
----------
Bebedeejhei
YOU ARE READING
The UNEXPECTED Guest is my new Boss
Action"I love you, I will do anything to make you safe even sacrificing my self, Dara" -------------------------------------------------- This is work of fictions. Names, characters, events, places, situation is a product of author's imagination. This is...