Chapter 1

166 11 0
                                    


Kaye's POV

Napakamalas ko nga naman talaga ngayon.

Gusto niyong isa-isahin ko yung mga kamalasang nangyari sakin ngayong umaga?

Nag-alarm ako kagabi ng 5 am tapos hindi nag-alarm ngayong umaga, nagising ako 6 na. Nagmadali na ako at hindi na nag-almusal para makaabot lang sa 1st period.

Tapos hindi pala ako maihahatid ni papa at may kailangan siyang tapusin sa opisina kaya kailangan niyang makarating doon ng maaga. Kaya nasa lakad at commute mode ako ngayon.

Sa dinami-dami ng araw, ngayon pa ako dinapuan ng malas ngayong may long test kami sa Math at mukhang hindi ako makakaabot dahil 7 na nasa bus pa ako.

Ang malas 'diba?

Malapit-lapit na ako sa school kaya tumayo na ako para pumara. Sumakto ang tigil ng bus sa may waiting shed sa tapat ng school.

Bumaba na ako at naghintay ng tyempo para makatawid. Ang daming nadaang sasakyan kaya hindi ako makatawid papunta sa kabila kung nasaan yung school.

Mapapa-hay naku ka talaga katulad ni Onyok.

Makalipas ang ilang minuto, konti na lang yung dumadaan kaya makakatawid na ako.

Hindi pa ako nakakaisang hakbang may nakita akong matanda na ang daming dala-dala sa gilid na mukhang patawid din 'ata.

Tingnan mo si kuya dinaanan lang si lola. Wala na talagang gentleman sa mundo ngayon.

Kahit alam kong late na ako, nilapitan ko pa din si lola na maraming dala.

"Lola tatawid po ba kayo? Tulungan ko na po kayo diyan." sabi ko kay lola.

"Salamat iha, napakabait mo naman at tutulungan mo pa ako kahit late ka na." sabi ni lola.

Paano nalaman ni lola na late na ako? Did I say my thoughts aloud?

Siguro mukha lang talaga akong haggard at ang naging konklusyon ni lola ay nagmamadali ako sa pagpasok dahil late na ako.

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni lola, tinulungan ko na siya bitbitin yung ibang dala niya at inakay ko na si lola sa pagtawid.

"Lola ayos na po ba kayo dito o gusto niyo pong ihatid ko na kayo sa pupuntahan niyo?" tanong ko kay lola.

Nagtataka ba kayo dahil tinanong ko pa kay lola kung gustong ihatid ko pa siya sa pupuntahan niya kahit late na talaga ako?

Tinuruan kasi ako ng magulang ko na kung kaya mo naman tulungan ang isang taong nangangailangan, tulungan mo na. Isipin mo muna kung ano yung mas mahalaga, yung kailangan mong gawin ngayon o yung pagtulong mo sa nangangailangan. Kung hindi naman masyadong importante yung gagawin mo, unahin mo muna yung pagtulong sa iba.

Okay lang naman sakin na mag-miss ako ng isang period. Ngayon lang naman nangyari 'to sa akin and hindi naman sa pagmamayabang, ako ang top of the class. Kukuha na lang ako mamaya ng test sa tanghali, mabait naman yung teacher namin sa math.

"Naku hindi na iha, ayos na ako dito. Maraming salamat sa tulong mo." sabi ni lola.

"Ah sige po. Pasok na po ako." nginitian ko si lola at nagpaalam na.

"Teka lang iha. May ibibigay ako sa'yo." may kinuha si lola sa isa niyang bag at inabot sa akin.

Isang box na maliit na color blue.

"Ok lang po lola. Masaya na po ako na nakatulong ako." sabi ko at hindi tinanggap yung inabot ni lola.

"Iha, bawal tanggihan ang grasya kaya kunin mo na ito." inabot ulit ni lola yung box sa akin.

Ang Mahiwagang Sing-singTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon