Kaye’s POV
Tumunog na ang bell, hudyat ng pagtatapos ng klase. Dumiretso muna ako sa photography club para ibigay sa president yung
mga kinuhanan kong pictures noong isang araw.Ilang araw na ang lumipas magmula nang humingi ng pabor yung tatlong kaibigan ni Ceejay. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito nagagawa.
Bigla kasing naging busy ang club dahil may nagrequest sa amin na kailangan daw nila ng photographer. Nagpadala ang club ng limang tao at kasama ako doon.
Actually may free time naman ako nung mga nakaraang araw pero hindi ko magawang kausapin si sungit dahil may audition sila para mag-recruit ng bagong members para sa kanilang club.
Hindi nakain-charge si Ceejay ngayon sa auditions kaya gagawin na yung pabor na hiningi nung tatlo.
Nilapitan ko si Ceejay sa upuan niya.
"Ceejay, pwede ba tayong mag-usap saglit?"
Tiningnan niya lang ako saglit at ibinalik ulit ang tingin sa phone niya.
"I'm sorry but I'm doing something important right now. We can talk later after class." he said while typing something on his phone.
Is he texting someone important to him? Bakit hindi niya na lang ito tawagan? Nakakangalay din kaya ng daliri ang pagta-type. Kanina pa kasi siya nagta-type sa phone niya, ni hindi niya nga pinapansin yung mga kaklase namin kanina na tinatanong siya kung open pa daw ba yung audition.
Nacurious ako sa kung ano ang ginagawa niya kaya pumunta ako sa likuran niya at pasimpleng sinilip ang kanyang ginagawa.
Nakikipag-chat siya sa mga kaibigan niya.
I saw a glimpse of their conversation bago niya ito nilipat sa chat group ng club nila, pagkatapos, pumunta na ulit ako sa upuan ko.
Gusto niyong i-share ko sa inyo yung nakita ko?
Huwag na lang kaya.
Ay sige na nga, baka magtampo pa kayo sa akin.
Ganito yung nabasa ko,
Daryl: Weh. Kahit kaunti lang?
Philip: Hindi ako naniniwala sa'yo. Iba ang pakikitungo mo sa kanya kumpara sa other girls.
Clyde: I can enumerate some things that can prove that she is special to you. Gusto mo bang isa-isahin ko?
You(Ceejay): Fine.
Philip: Anong fine?
You(Ceejay): I like her. Happy?And that's it!
Malaking tulong talaga yung pag-inom ko ng memo plus gold. De joke lang. Nahahasa lang yung utak ko tuwing may exam sa pagmememorize ng notes.
Siguro yung pinag-uusapan nilang babae eh isa sa naikwento sa akin noong tatlo. It's either the girl na makakatulong kay Ceejay sa trust issues niya or yung babae na tinutukoy sa panag-inip niya.
'Di bale malalaman ko na mamaya kung sino sila.
---
*Snap*
*Snap*
*Snap*
Tiningnan ko ang mga litratong kinuhanan ko.
Wala akong magawa ngayong lunch eh. May practice si Kim sa dance club nila. Parang nagkasabay-sabay ang mga activities ng iba't-ibang club ngayon.
Nakaupo lang ako sa damuhan sa ilalim ng puno sa may garden. Pinipicturan ko yung mga butterfly na nakadapo sa flowers and pati na rin yung mga flowers.
Napatigil ako sa pagpipicture nang makarinig ako ng boses ng mga lalaki na medyo pamilyar sa akin.
"Ang galing mo talaga kanina, Clyde."
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Sing-sing
Short StoryIsang bagay na makatutulong sa'yo upang makita o makilala ang forever mo. Isang bagay na nakapagpaniwala sa mga tao sa kanilang paligid na totoo nga ang hiwaga. Siguradong gugustuhin niyo na magkaroon nito: Ang Mahiwagang Sing-sing