Chapter 2

73 7 0
                                    

Kaye's POV

Excited na ako sa araw na ito!

Habang tinatahak ko ang daan papunta sa room ay napapahum ako dahil sa saya.

Do you know why?

Kasi hindi na ako mamomroblema sa grades ko! 'Diba ang sarap sa feeling no'n?

Pumasok ako sa room ng may malawak na ngiti at hinanap ang taong tumulong sa akin para malutas ang problema ko.

As usual, siya'y nasa upuan niya habang nakapikit at may nakasalpak na earphone sa tenga.

"Good morning Ceejay!" masiglang bati ko sa kanya na nakakuha ng atensyon ng lahat ng tao sa loob ng room.

Hindi ako pinansin ni Ceejay.

Ayaw mo akong pansinin ha...

Pumunta ako sa tapat niya.

"Uy Ceejay! Hindi mo ba ako naririnig?"

Still no response.

Hay... Hindi mo ako maiisahan, alam kong naririnig mo ako dahil alam ko yung trip mo.

Lagi kasing may nakasalpak na earphone sa tenga niyan tuwing umaga kaya walang lumalapit sa kanya para kausapin siya. Eh isang araw may kailangan akong itanong sa kanya. Kinuha ko yung atensyon niya sa pagtabi sa kanya at pagkuha ng isang earphone sa tenga niya at inilagay ito sa tenga ko. Doon ko napag-alaman na hindi pala siya nakikinig ng music o ano pa man.

Let's see if you could still keep ignoring me.

I smirked.

Kumuha ako ng upuan at iniharap ito sa kanya. Umupo ako dito at pumangalumbaba gamit ang dalawang kamay saka ipinatong ang baba ko dito.

"Ceejay! Walk-out king! Sungit!" tawag ko sa kanya.

Hindi niya parin ako pinapansin.

"Kaye anong meron?" takang tanong ni Kim.

"Bakit yung unang pinansin mo sa room ay si Jaycee? Usually binabati mo kaming lahat atsaka si Kim at didiretso ka na sa upuan mo na hindi mo manlang tinatapunan ng tingin yung kaibigan namin." takang sabi naman ni Philip, isa sa mga kaibigan ni Ceejay.

Nginitian ko lang sila.

"Wala naman. Good mood lang ako ngayon." sabi ko at ibinalik ang tingin sa lalaking aasa harap ko.

"Ceejaaaay! Sungiiiit!" tawag ko ulit sa kanya.

And finally, he opened his eyes and gave me a death glare.

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

"What do you want?" tanong niya.

Tingnan mo, nagsusungit kaagad. Sabi na nga ba't hindi niya magagawa yung deal namin.

"I knew it. Hindi mo magagawang hindi magsungit." mahina kong sabi na siya lang ang nakakarinig.

He let out an exasperated sigh.

"Bakit, may kailangan ka ba sakin?" mahinahon niyang tanong.

Wahahaha... Hindi bagay.

"Ah ire-remind lang kita sa sinabi mo sa akin kahapon." sabi ko kahit wala naman.

Kumunot yung noo niya.

"Anong sinabi ko kahapon?"

"Sabi mo kahapon ililibre mo ako mamaya." malakas kong sabi, enough for everyone to hear it.

Puno ng pagtataka yung mukha niya.

"Wala akong matandaan na may sinabi akong ganyan. At kung meron man hindi ko 'yon magagawa dahil may meeting kami sa club mamaya." sabi niya.

Ang Mahiwagang Sing-singTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon