Kaye's POV
Kinabukasan, pagkatapos na pagkatapos ng period before lunch ay may tatlong lalaking bigla na lang humila sa akin at dinala ako sa music room.
Isinara nila ang pinto at ni-lock ito.
"Anong trip niyong tatlo?" kalmado kong tanong pagkabitaw nila sa braso ko.
Wala naman siguro silang gagawing masama sa akin. Mababait naman 'tong mga 'to sa pagkakakilala ko.
Sa kabila ng pagkataranta ng aking utak ay pinilit kong maging kalmado.
"Don't worry, wala kaming gagawing masama sa iyo." sagot ni Daryl.
"Eh anong kailangan niyo sa akin at bigla niyo na lang ako kinaladkad ng walang pasabi?" tanong ko.
Nakakagulat sila eh, bigla-bigla ba namang nanghila. Sabay pa naman kaming kumain ni Kim ngayon. Baka magtaka iyon at bigla akong nawala.
"Pasensya na, hindi kasi pwedeng makita ni Jaycee ito. May gusto lang kaming hingin na favor sa'yo kung pwede." sagot naman ni Philip.
Nakahinga naman ako ng maluwag doon.
"Pwede niyo naman akong sabihan ng maayos, hindi yung basta-basta lang kayo nanghihila kungsaan." pagkasabi ko no'n ay umupo ako sa isang stool doon.
"Like what Daryl said, hindi pwedeng makita at malaman ni Jaycee itong pag-uusap natin. Siguradong hinahanap na kami no'n sa ngayon at nasa wanted list niya." paliwanag ni Clyde.
Silang tatlo ay mga kaibigan ni Jaycee.
May isang tanong na pumasok sa aking isipan.
"Why me? Ang dami naman nating kaklase na mas close niyo, bakit ako pa yung napili niyo?" takang tanong ko.
"Because..." hinila niya ang isang upuan papunta sa tapat ko at saka umupo. Ganoon din ang ginawa ng 2 pa.
"Dahil may nagagawa kang hindi kaya ng iba." tuloy niya.
Ha? Ano ako may powers?
"Oh let me rephrase it. There's something special in you kaya ikaw lang ang only candidate para sa aming plano." sabi ni Clyde.
Ano namang special sa akin bukod sa taglay kong talino?
"Ngayon I would tell you something about Jaycee." panimula ni Daryl.
"I'm not interested in anything about your friend kaya pwede bang sabihin niyo na sa akin yung pabor na hihingin niyo?" taas-kilay kong sabi.
"Kaye, just let us borrow your 30 minutes at papayagan ka na naming umalis dito at mag-lunch. Kung hindi ka makikinig sa amin, dito lang tayo hangga't hindi mo kami papakinggan hanggang dulo ng lahat ng aming sasabihin." nakahalukipkip na sabi ni Clyde.
Ano pa bang magagawa ko?
Sinunod ko siya at tumahimik ba lang.
"Okay. Napapansin mo naman siguro na malayo ang loob ni Jaycee sa mga babae. I would tell you why. Nagmula noong kinder pa lang siya ay iniwan na siya ng mama niya. Simula no'n lumayo na ang loob niya sa mga babae. Doon nagmula ang trust issues niya sa mga babae, but now because of a girl, we think na he can get over it." kwento ni Daryl.
So that explains why. Pero sino kaya yung tinutukoy nilang babae?
Binabawi ko na yung sinabi ko kanina, parang naging interesado tuloy ako sa buhay ni Ceejay.
"Sinong babae yung sinasabi niyo?" hindi ko na napigilang itanong.
"We can't tell you who she is." si Clyde ang sumagot.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Sing-sing
KurzgeschichtenIsang bagay na makatutulong sa'yo upang makita o makilala ang forever mo. Isang bagay na nakapagpaniwala sa mga tao sa kanilang paligid na totoo nga ang hiwaga. Siguradong gugustuhin niyo na magkaroon nito: Ang Mahiwagang Sing-sing