MEET VINCE KAYDEN TOLENTINO

916 44 3
                                    


VINCE'S POV

"Anak" boses yun ni mama .kanina pa ko gising pero natatamad ako bumangon.

"Opo ma bababa na po" tugon ko

Pagdating sa kusina nakahanda na ang lahat ang swerte ko talaga sa mama ko kahit kasi hindi kami ganun kayaman,  ginagawa niya ang lahat para maibigay sakin lahat.

Marami Na kaming Hirap na Pinagdaanan at alam kong Sapat na yun Para Mapatatag ang kung anumang Meron kami.

Oo nga pala  Ako si Vince Kayden Tolentino bisexual ako, at sabi nila Pogi daw ako. but hangang ngayon hindi ko pinaniniwalaan. 16 na ko at nagaaral sa Starville University oo tama kayo pangmayaman yan at alam ko nagtataka kayo kung bakit nakapasok ako dito .

Hindi naman kasi sa pagyayabang matalino naman ako kaya ginamit ko yun kaya naging Scholar ako ng School

"Anak titingnan mo na lang ba yang hotdog wag mo sabihing pinagnanasaan mo yan!" Tsaka tumawa

Ganyan na kami tuwing Umaga ni Mama.  Siya ang Magsisimula mangasar at kapag sinakyan ko na ang Trip niya at siya na ang Inaasar ko, Pikunin naman . Kaya at the End Bago ako Pumasok magmimisa muna yun.

"Mama ang aga mo po mangasar' tugon ko tinawanan niya lang ako at pinagsaluhan na namin ang agahan .

*****

Pagdating ko sa school hindi na ko nagtaka kung bakit na sakin nanaman ang atensyon  ng mga Hinayupak na To.

Pumasok ako sa Room at Hinanap ng mga Mata ko ang Mga kaibigan ko at Hayun  ! Nakita ko na sila nasa dulo sila malapit sa Bintana at nakikita ko nanaman kung paano magasaran ang mga Kaibigan ko

  Una ay Si Jett.  Bakla siya as in Crossdresser pero napakalaki ng Difference niya sa Iba.  Oo maingay siya pero kapag iba na kasama Nagiging Patron ng mga Mabait at Mapagkumbaba. 

Pangalawa Si Jane.  Maganda at Lapitin ng Gera. Wag na kayo magtanong kung Bakit kasi mahirap Ipaliwanag.

At ang Huli si Brave.  Bestfriend Ko Siya since Elementary.  Sobrang Tahimik niyan pag iba ang Kasama kahit pa kina Jane at Jett.  Pero di yan nauubusan ng Kwento Pag ako na kausap.  May pagkaweirdo din tong isang To.

Pagkaupo ko sakto dumating din ang Prof namin kaya nagsimula na .

Mabilis ang oras kaya ng dumating ang break agad kaming lumabas at pumunta sa cafeteria may naririnig akong bulangan pagkaupo namin

"Girl !  Nagtransfer daw yung Paul Montenegro, diba yun yung hot na model ?Siguro sa company rin nila.  bakit kaya no? "sabi nung babae na payat

" Inunahan mo naman ako Magbalita.  Oo yun ang Balita,  Sabi nila Family Problem kaya Lumipat pero diba Mas Masaya Yun? Eeeee!  Ang Gwapo Gwapo niya kaya  " Sagot nung isa pa

Ok. May Transferee? At Paul? Hmmmm  IfeelSomething

••••••••

Hi First Story ko po to hahaha kaya sana maintindihan niyo po kung maikli pa dahil di pa sanay si otor sa mahabang pagtatype.

Support me po
Vote and comment po

StupidSorcerer

The Darkness : Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon