CHAPTER 7 : Stranger

391 28 1
                                    

Vince's POV

4 days Passed simula nung nangyari yung aksidente at napaka weird ni Paul nung Time na yun . Ngayon na din ako magsisismulang magtraining para magamit ko ng maayos ang Kapangyarihan ko o CURSE ko .

Habang iniintay ko ang ibang trainers dito sa napakalawak na hall hindi ko maiwasang mamangha sa pagkakagawa nito . Bilog siya tapos may bleachers pero dito sa ground may nakapalibot na Yellow something . Hindi ko kasi alam kung ano yun-_-

Pagkatapos ng 999 years na pagiintay ko sa kanila dumating din . Masyado lang siguro maaga ang punta ko 10:00 kasi ang calltime tas nandito na ko ng 7:00  maaga ba masyado?

All eyes on me pagkapasok nila pero hindi katulad ng tingin na ibinibigay sakin sa Mortal Realm . Yeah alam ko na yung tawag sa mundo ng Tao narinig ko lang Somewhere. Para kasing sasaksakin nila ko sa tingin nila .

"Cursed? Papanong nakapasok dito ang isang Cursed?" Sqbi nung may violet na buhok . Maganda siya malaki ang Boobs na Favorite at Tipo ko sa isang babae kaso parang masama ang Ugali . -_-

"Ako ang nagdala sa kanya dito.....at iba siya sa mga Cursed na nakilala niyo kaya wag niyo siyang sasaktan kundi ako ... Kami makakabangga niyo. " sabi nung lalaki na kadadating lang din. Si Paul

"Ano naman ang pinagkaiba niya sa mga Cursed? Sa pagkakaalam ko isa lang ang hangarin ng mga Cursed na tulad niya at yun ay ang ubusin tayo !" Pasigaw na sabi nung may violet na buhok ewan ko ba kung sino yan.

"Hoy Babaita wag kang ano jan dahil hindi ka naman maganda.... nagmamaganda ka lang  andami mong kemerut diyan manahimik  ka na lang !" Sabi naman nung baklabg nakasama namin last week ito yata yung may kaaway? Hell yata pangalan o ewan .

"Palib-" naputol ang sasabihin ni violet girl ng may malalim na boses ang nagsalita sa may likod ko.

"Enough ! "Lahat ay tumungo ng magsalita ito. Humarap ako sa likod ko at nakita ko ang may katandaang lalaki . nakaFormal Suit siya ." Lets start" dugtong niya pa

So ayun nga tapatan kami at kung minamalas si Violet girl ang katapat ko . Nakita ko pa siyang napangisi . Kaya ang ginawa ko ngumisi rin ako at bahagyang kinagat ang ibabang labi . Nakita ko naman sa mukha niya epekto ng ginawa ko dahil natulala ito pero mabilis na nakabalik sa ulirat .

" Feel your Powers ! Concentrate ! And Control ! Yan ang tandaan niyo para mapadali ang pagkontrol sa mga kapangyarihan niyo . Atakihin niyo ang bawat isa gamit ang kapangyarihang taglay niyo .

So yun nga ang nangyari humanda si Violet girl at nakita ko pagtapat niya ng kanang kamy sa lupa at kaliwa naman sa akin .

"Scared?" Tanong niya sakin.

"Why should I ? " sagot ko naman pero may takot pa rin ako kasi hindi ko naman alam kung ano ang kakayahan nito. Bumukas ang lupa at lumabas ang isang nakakatakot na bulaklak . May mga ngipin siya tas parang may nginunguya . napaatras ako ng sumugod ito papunta sakin. Bago pa makalapit ay itinapat ko na ang kamay ko at pumikit . naramdaman kong muli ang enerhiya na sa kamay ko at pagkawala nito dito. Nakarinig ako ng ungol na parang nasaktan at sa pagmulat ko nakita ko natutunaw na katawan ng halaman na kinakain ng itim na usok . Narinig ko din ang Pagsinghap ng mga kasama ko sa Ground .

"Halimaw ka ! " sabi ni Violet girl kaya napatingin ako sa kanya . at sa paglibot ko ng tingin sa lugar ay iisa ang tingin nila . sa akin lang . gumalaw silang lahat at pinalibutan ako .

Patay!

Tumingin ako  sa direksyon ng Grupo ni Paul at nakita ko ang isa sa kanila na umiilaw ang mata ng kulay puti at sa muling paglibot ng mata ko ay puti na rin ang mga mata ng mga kasama ko . Ano bang ginawa nila?

Pero mas nabigla ako ng atakihin nila ako . may mga apoy na lumipad sa direksyon ko gumalaw din ang lupa kaya napaluhod ako at sa pagluhod ko ay ay mga halaman na kumapit sakin kaya di ko naiwasan ang mga atake .

Dumaing ako sa sakit at Hapdi .
Ganito ba ang training dito literal na sasaktan !

Napuno ng usok ang Ground . Bakit ba pinagtutulungan nila ko? Pati si Paul hindi pinipigilan yung kasama niya . Siguro siya ang nagutos dun . nakaramdam ako ng inis at tuluyang nauwi sa Galit dahil feeling ko hindi ako welcome dito . Naramdaman ko ang pagluwag ng mga halaman na kumapit sakin . Nakita ko rin ang bilog na may guhit guhit sa paanan ko

Nakaramdam ako ng malakas na enerhiya ansarap sa pakiramdam para akong nakalutang ng muli kong tingnan ang grupo ni Paul ay hindi na nagliliwanag ng Puti ang kasama nito . Nilibot kong Muli ang aking tingin at bakas sa mukha nilang lahat ang takot . Muli ko ring tingnan ang katawan ko at nabigla ako ng makita kong may lumalabas na maliliit na itim na bilog sa kamay ko . Napaatras ako sa nakita ko . Pinigil ko ang paglabas ng mga ito at nagawa ko naman , nawala na rin ang itim na bilog sa may paa ko .

"Magaling " dinig kong sabi ni Old guy . "Mabuti at nailabas mo na ang kapangyarihan mo pero nararamdaman kong hindi mo pa ito kontrolado . " tumango na lamang ako dahil parang pagod na pagod ako ganito ba ang feeling nito? Kapagod huh.

" Go to your rooms . Tapos na ang training "

Paalis na kami ng may marinig kaming Pagsabog .

Booooogsh

Lahat kami ay napatingin sa direksyon na pinangalingan ng pagsabog . Nataranta ang lahat at nagmadali ring lumabs ang Grupo ni Paul . Ganun rin ang ginawa ko .

Ng Makarating kami sa labas ng Hall ay may nakita kaming Lalaking nakaitim . pinalibutan rin siya ng Grupo ni Paul . Malamang sila ang Royal Group ng School kaya hindi malayo na sila rin ang Protector nito . Inilibot ng lalaki ang tingin nito sa mga estudyanteng nandun . Tumigil ang titig nito sa direksyon ko kaya hindi ko naiwasang kabahan . Lalapit sana ito ng Harangan siya nung babaeng kasama sa Grupo ni Paul . Pero mabilis itong nawala sa direksyon ng lalaki sa pamamagitan lang ng pagkumpas ng kamay nito

"Kumusta mahal na Prinsepe?" Tanong nito . Tumingin muna ako sa likod ko dahil baka hindi naman ako tinatanong niya pero ngayon ko lang napansin na nagiisa na pala ako sa direksyong yun . Muli akong tumingi  sa diresyon nung lalaki at nakita ko itong nakaluhod na sa may harap ko . Nataranta ako kaya napaatras ako . Tumingala yung lalaki at sinabing " Isang karangalan na samahan ka mahal na prinsepe "

Hala ako Prinsepe? Speechless ako ngayon , ano bang isasagot ko? Ni hindi ko nga alam ang sinasabi nito.

•••••••

Kumusta ang Chapter na to?
Bumawi na ko huh .

Sino kaya yung lalaki?
Abangan.

Comment and Votes is Highly Appreciated

                  StupidSorcerer

The Darkness : Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon