Chapter 4 : Enemies

393 27 0
                                    




Third Person's POV

Habang nagtatagisan ang Lobo at ang Leon may isang Uwak naman ang nakabantay at nagmamasid sa Dalawa .

Lumipad ito at umalis ng matamaan siya ng tingin ng Gintong Leon

Lumipad ito ng lumipad hangang sa makarating ito sa isang itim na Bahay .

Malaki

Malawak

At Creepy

Yan ang mga salitang mamumutawi sa iyong bibig pag iyong nakita

Ng makapasok na ang uwak sa bintana ay naging isa itong Tao.


"Boss nahanap ko na siya " sabi ng lalaki

"Mabuti kung ganun . Ano ang ipinangalan sa kanya?" Tanong naman ng isang lalaking Matipuno kahit may edad na .

" Tinawag siyang Vince ng lalaking nakaksagupa niya ngayon na isang GIFTED  . Earth and Fire Elementor ang kalaban niya ngayon."

" Hmmmm nandun naman siguro si Laxius diba?"


" Opo boss kasalukuyan po siyang nakikipaglaban sa serei ng lalaking kalaban ngayon ng inyong anak. " sagot naman ng lalaki

"Ang kanyang kapangyarihan ? Nagagamit niya ba?" Tanong ulit nito.

"Aksidente niya pong nagamit ang kapangyarihan niya kanina . Ngunit hangang ngayon ay wala pa rin siyang alam patungkol sa kapangyarihang taglay niya."

"Kung gayon ay humayo ka at lipunin ang ating hukbo . May paroroonan tayong mahalaga ."


Muli ay naging uwak ang lalaki at lumipad sa Kasukalan ng Gubat na pinagkukublian ng Itim na bahay.



Paul's POV

Tss. Kasulukuyan akong nakikipaglaban sa Isang CURSED ngayon pero Bwisit !

Kakaiba siya

Hindi siya madaling talunin

Kahit na ang Serei kong si Daizer ay nahihirapang tapatan ang Serei niya .

Pero bakit ganun?

Bakit parang wala siyang Alam?

Hangang ngayon kasi ay bakas pa sa mukha niya ang pagkabigla .

Pagkagulat at the same time Paghanga sa nakikita niya.

Pero hindi .

Magaling magpangap ang mga Cursed .

Kaya bago pa ko maunahan nito  Pinaangat ko na ang lupang nakapaligid sakin at nilagyan ko rin ang mga ito ng Apoy para mas mabilis ang pagtatapos ng Lapastangang ito .

Kaya siguro naakit niya ko kanina

Pero masarap siyang humalik hehe.

Aysh tapusin mo na to Paul baka ikaw ang tapusin niyan!

Kay walang ano ano ay pinalipad ko na patungo sa direksyon niya ang mga batong naglalagablab .



Vince POV

Shit !

May mga batong lumutang sa paligid niya !

Tapos nilagyan niya ng apoy !

At higit sa lahat binato niya sakin!


Wahhhh ! 

Shit ! What to do? What to do?

The Darkness : Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon