6

16 0 0
                                    

Way # 7:
"Walk away from him."

°°°

Gulong gulo ang isip ni Alex nang sampalin siya ni Alona at mag walk out ito. She's been acting out since their group play project. Naging moody ito pero patuloy lang siya sa pagsuyo. Sinasabi ni Alona sakanya na mahal siya nito pero sa tuwing magkasama sila ay parang ang layo ng loob niya. She'll let him hold her hand, touch her, and hug her. Pero para bang ang mga pinapakita nito ay kabaliktaran ng totoong nararamdaman niya.

Hindi niya maintindihan.

Tuluyan ng hindi pinansin ni Alona si Alex sa mga sumunod na araw. Paminsa'y lalapit ito sakanya habang naglalagay ito ng gamit sakanyang locker pero hindi naman rin niya ito papansinin na parang isang hangin. She also noticed how many times Alex failed in his quizzes and performances.

The thing is, ayaw na ni Alona. She knew to herself that she never loved him. Maybe she liked him. But there's a part of her na kapag hindi tumigil sa panunuyo si Alex, baka hindi niya mapigilan ang sarili niya. Baka hindi nanaman niya mapagisipan ng mabuti at masabi niya muling mahal niya ito.

"Ano nangyari sainyo ni Alex?" tanong ni Richard sakanya habang nagaaral sila para sa darating na exams. Hindi na sila nagpapansinan ng ilang linggo.

"Wala na,"

"As usual," ani Eli sabay buntong hininga. "Sinira lang siya ni Alona."

Hindi nakapagsalita si Alona sa sinabi ni Eli. Hindi rin pumasok sa utak ni Alona ng ilang sandali ang inaaral niya. Sinira lang siya ni Alona. Ang lalim ng ibig-sabihin. Maaaring iba ang pinapahiwatig ni Eli doon at iba rin ang pagkaka-intindi ni Alona. Kahit ano pang ibig sabihin, pareho rin namang totoo.

Maagang umuwi si Alona para mag-aral. She needs to be in the top this quarter. But when she couldn't focus, she opened her phone and messaged Alex.

Alona: Let's meet infront of the Milktea shop later at 7pm.

°°°

Alona arrived there at 6:30, um-order na muna siya ng paborito niyang milktea. Naalala niya na nangyari na pala ang mga ito ng ilang beses noon when he broke boy's hearts. But this time is different. Pakiramdam niya siya ang natalo. Not because she fell inlove with him but because her ego got hurt. Many times.


Lumabas ng milktea shop si Alona at exact 7 at naabutan niya si Alex. Hinila niya ito papunta sa park na katabi ng shop nang magtama ang mata nilang dalawa. Nang huminto sila at muling magkaharap, lumapit si Alona at niyakap siya. Niyakap niya ito na para bang ayaw niya itong pakawalan.

"Alonaㅡ," he didn't get to say what he wanted to say dahil hinalikan na siya ni Alona. She kissed him as if she's telling him to chase her, na h'wag itong tumigil sakanya pagkatapos nito. Because she knows that that will crash his heart even more. And she wants to break his heart for making her feel small. For making her feel embarassed not only once and for making her feel like a failure.

Malambot ang bawat halik ni Alona but she admit, he is her first real kiss. And when he deepens the kiss, she pull away.

"Let's end this." ani Alona sabay talikod at lakad palayo kay Alex. Ilang beses na tinawag ni Alex ang pangalan niya ngunit hindi niya ito pinakinggan. He even tried to follow her peto binilisan niya ang paglalakad.

Dahil sa ginawa ni Alona ay mas lalo ng naguluhan ang lalaki. End this? Anong ibig niyang sabihin? Ayaw na niya?

Alona didn't looked away. Pinigilan niya talaga ang sarili niya dahil alam niyang sa oras na lumingon siya at makita niya nanaman ang ekspresyon ng mukha ni Alex ay bawiin niya ang sinabi niya rito. Knowing herself, hindi siya marunong magmahal pero marunong siyang ma-awa.

Ways To Break His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon