Chapter 5: The Dead Bodies
Lorainne Aisha's P.O.V
Natapos ang klase at napagpasyahan naming tumambay ni Brigette na tumambay sa Canteen dahil tapos na din naman ang klase at isa pa ay nagugutom na kami.
"Sana matapos ang paghihirap natin.."
Kita ko sa mga mata ni Brigette ang kalungkutan. Maski ako ay di alam kung hanggang saan ba ang itatagal ko.
"Pwede bang makiupo?"
Nakita namin ang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa harapan namin. May katangkaran, chinito at may dimples sa magkabilang pisngi.
"O-oo naman!"
Sabi namin ni Brigette saka ngumiti. Umupo siya sa tabi ng upuan ko at saka sumubo ng pagkain niya.
"Ngayon ko lang kayong nakitang dalawa dito."
Sabi nito saka nagsimulang kumain ng pagkain niya. Inayos ko ang pagkakaayos ng salamin ko.
"Hmm… Transfer lang kasi ako sa school na 'to mga 4 na araw palang ako."
Sabi ko saka ngumiti at nagsimula nading kumain. Nakita kong nakatingin lang samin si Brigette.
"Ahhh... Kaya pala."
"Ano bang pangalan mo?"
Tanong ni Brigette sa kanya.
"I'm Axel... Kayo anong pangalan nyo?"
"Ako si Brigette siya naman si Lorainne..."
Napangiti siya saka inalok samin ni Brigette ang magkabilang kamay niya para makipagshakehands samin.
"Nice to meet you."
Sabi ko saka ngumiti. Ang cute niyang ngumiti kasi may dimples siya.
"Friends?"
Tanong niya. Tumango kami ni Brigette. Nagtagal ang kwentuhan namin at katuwaan hanggang sa naisipan na naming bumalik sa dorm.
"Sige mauna na kami."
Sabi ko saka nagpaalam sa kanya. Tumango nalang siya saka kami naglakad papuntang dorm nang may mabunggo akong babae.
"Ano ba 'yan! Hindi kasi nag-iingat!"
Nagulat kami ni Brigette nang makitang natapon ang dala nitong shake sa damit niya.
"S-sorry miss…"
"Sorry?! Kala mo ba maibabalik niyang sorry mo ang ginawa mo sa damit ko?!"
Tinulak niya ako ng malakas dahilan para mapaupo ako sa sahig.
"Ang sama mo!"
Sabi ni Brigette saka ako inalalayan nakita naming umirap siya bago kami nilagpasan. Inalalayan ako ni Brigette na tumayo saka kami pumunta sa dorm.
***
Kinaumagahan ay maaga kaming nagising dahil may pasok na naman saka kami nag-ayos saka lumabas ng dorm at naglakad sa hallway.
Habang naglalakad kami ay nakakita kami ng kumpulan ng mga estudyante sa school garden at nakarinig ng bulungan.
"Grabe! Wala talagang mga puso... Paano nila nagagawa ang bagay na 'to!"
"Nakakakilabot sino kaya ang tinutukoy ni Lord A!"
"Oo nga ayoko pang mamatay!"
Nakita ko ang mga takot sa mata ng mga studyanteng nakapalibot sa isang malaking puno. At ganun nalang ang pagkagulat ko nang makita ang duguan na hubot hubad na katawan ng babaeng nakabungguan ko kahapon pati na ang katawan ni Axel! Napaiyak kami ni Brigette nang makita si Axel. Hindi naman alam na sasapitin niya ang ganitong bagay! Napakabait niya para mangyari sa kanya ang bagay na 'yun! Nagulat nalang ako nang bigla akong hinila doon at tinakpan ang bibig ko para di ko matawag si Brigette! Nakita ko ang lalaking nakakulay itim na uniform ang nagbubuhat sakin na parang sako papunta sa isang lugar na di ko pa nakikita. Isa itong silid at pagkapasok dun ay nakita ko ang lalaking nakaupo ng patalikod sakin! Alam ko na kung sino ang lalaking ito si Lord A at wala ng iba!
BINABASA MO ANG
Devils Hell Academy SSPG (COMPLETED)
RandomGaling sa isang mahirap na pamilya si Lorainne Aisha Echavez. At dahil sa pagiging mapagmahal na anak ay pinangako niya sa mga magulang niya na siya magaahon dito sa kahirapan. Hanggang sa matuklasan niya ang isang paaralan na nagngangalang DEVILS H...