Prologue: The beginning
Lorainne Aisha's P.O.V
Tahimik at walang gulo.
Ayan ang nangyayari sa paligid ko habang naglalakad ako sa hallway.
Ang weird diba? Pati ako hindi ko alam kung bakit ba ganito kabait ang mga istudyante sa school na 'to.
Ang DEVILS HELL ACADEMY.
At paano ko napasok sa school na 'to?
Simple lang…
—FLASHBACK—
Ako si Lorainne Aisha Echavez, isang nerd at nanggaling ako sa mahirap na pamilya at nag-iisang anak. Laking probinsiya ako at nagsimula lang akong lumuwas ng maynila nang makatungtong na ako sa kolehiyo pero ng dahil sa sobrang kahirapan ay walang maipampaaral sakin ang mga magulang ko. Hanggang sa binalita sakin ng bestfriend ko na si Brigette na nagtransfer siya sa isang kilalang school na nagngangalang DEVILS HELL ACADEMY noong una ay nagtataka pa ako kung bakit ganun ang pangalan ng school pero may malalim daw na dahilan ang sabi ni Brigette sakin kaya hindi nako nag-usisa pa. Sinabi niya sakin na kaya niya nagustuhang lumipat sa school na 'yun dahil marami na daw ang nakagraduate dun at ngayon ay mga milyonaryo na. Kakaiba ang school na 'yun sa ibang school dahil kapag nakagraduate ka sa school na 'yun ay hindi diploma ang matatanggap mo kundi 20 million pesos. Hindi ko alam pero sobrang yaman siguro ng may ari ng school na 'yun kaya ganun nalang sila makapaglabas ng milyong halaga ng pera para lang sa mga studyanteng nag-aaral sa school nila. Naisip ko na dun mag-aral dahil malaking tulong sa pamilya ko kung makakagraduate ako sa school na 'yun kaya agad akong sumama kay Brigette para mag enroll sa school nila. Nagtaka ako ng unang pasok ko sa school na 'yun dahil sobrang tahimik at ang kulay ng mga buildings ng school nila ay Black and White kaya parang nakakatakot.
"What's your whole name miss?"
"Lorainne Aisha Echavez."
"Okay, how old are you?"
"Eighteen."
Sabi ko sa lalaking kaharap ko ngayon na kasalukuyan akong iniinterview.
"Ang DHA ay kakaiba sa lahat ng school na napasukan niyo na. Dahil malaking tulong ang school na 'to sa financial problems ninyo pagkagraduate ninyo. May mga rules kaming pinapatupad sa school na 'to. Bawal ang away, bawal ang chismisan, lahat ng rules sa ordinary school ay pinapatupad namin sa DHA. Pero once na nilabag ninyo ang rules may punishment kayong matatanggap. 2 choices ang meron sa babae at ganun din sa lalaki pero kung hindi kayo swertehin baka... Hindi maganda ang matanggap ninyong punishment. Walang principal sa school na 'to. Dahil may nagpapatakbo nito at ang anak ng may ari ng school na 'to ang namamalakad dito. We called him Lord A at lahat ng students dito ay yumuyuko sa tuwing nakikita siya, isang paraan ito ng pagpapakita ng respeto sa kanya. Walang sinuman ang estudyanteng nakakita na nang totoong katauhan niya. Walang sinumang nagtatangka dahil mapaparusahan ang mangangahas. At ang mga kahalili niya ay ang mga MASTERS ang kanyang mga co-founders. Si Master Grady, Master Hayden, Master Zayden, at si Master Bryson. Iba ang mga uniforms nila sa uniforms ng mga ordinary students na kagaya niyo. Dahil sila ay may katayuan at may karapatang magparusa sa mga lalabag ng rules. At mahigpit ding pinagbabawal na pumunta kayo sa DEVILS AREA dahil mabigat na parusa ang aabutin niyo. May mga naging official girlfriends si Lord A at maswerte silang lahat. Dahil walang sinuman ang pwedeng manakit sa kanila at magsalita ng hindi maganda dahil gaya ng mga MASTERS ay may karapatan silang magparusa. Ang tawag sa kanila ay ang mga QUEEN AND LADIES. Si Queen Evriz, Lady Chanel, Lady Althea, Lady Aquisha, at Lady Coleen. May karapatang magkagirlfriend si Lord A hanggang Lima at maswerte kung may isang matanggal sa kanila at mapasali ka. At lahat ng may katayuan sa school na 'to ay takot sa mga nabanggit ko at gaya ni Lord A yumuyuko din ang mga students sa tuwing makikita sila."
BINABASA MO ANG
Devils Hell Academy SSPG (COMPLETED)
DiversosGaling sa isang mahirap na pamilya si Lorainne Aisha Echavez. At dahil sa pagiging mapagmahal na anak ay pinangako niya sa mga magulang niya na siya magaahon dito sa kahirapan. Hanggang sa matuklasan niya ang isang paaralan na nagngangalang DEVILS H...