Unang Pag-ibig

4.9K 56 21
                                    

Sobrang lakas ng ulan sa labas ng makita ko siya. Nakatayo mag-isa, para bang  siya  ay  nawawala.

Lahat ng napaparaan na tao ay tinitignan siya ngunit walang lumalapit sa kanya. Nanatili lang siyang nakatayo roon kaya naman naglakad ako papunta sa kaniya.

Tinanggal ko ang suot kong jacket at binalot sa nanginginig niyang katawan.

"Miss,are you lost? Kailangan mo ng tulong? " tanong ko sa kaniya ngunit hindi niya ako kinibo.

Mga ilang segundo, inangat niya ang kaniyang ulo at tumingin sa akin at...
nakita ko mukha niya.

Maganda siya pero bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan.

Nagulat ako ng lumapit siya sa akin..
At sa mga sumunod na pangyayari..

Naramdaman ko.

Alam kong hinalikan niya ako..

Naramdaman ko ang pagbalot ng kaniyang mga kamay sa aking batok at hinila ang aking ulo kaya napayuko ako,  sa ginawa niya mas lalong napalapit ang mukha ko sa mukha niya at mas lalong lumalalim ang kaniyang halik.

Alam kong mali ito.. Pero.. Ewan ko kung bakit bigla ko na lang din siyang hinalikan pabalik.. Wanting more.

Hinawakan ko ang mukha niya ng bigla siyang tumigil sa paghalik, nagulat ako sa pangalawang pagkakataon ng tumitig siya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti.

Sa sandaling iyon masasabi ko na..

I fell in love.

Natulala ako sa kagandahan niya at bago pa man ako makapagsalita..

Bigla na lang siyang tumakbo palayo.

"S-sandali!" sigaw ko,sinundan ko lamang siya ng tingin..

Pero nawala siya sa paningin ko. Lumakad ako papunta sa mga kumpulan ng tao.

Hindi ko siya mahagilap..

I lost her.

Ako si Allen at ito ang kwento ng una kong pag-ibig,  oo,  nakakatawa na nagkagusto ako sa taong hindi ko man lang kilala at ang mas malala pa ay dahil iyon sa halik.

Sabi nga nila nagkakagusto ka sa isang tao sa weirdest time na may weirdest reason.

Mahahanap ko pa kaya siya?

Sana.

Unang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon