Maling Akala

1.5K 19 10
                                    

Allen's POV
-

"Oh, andyan ka na pala" si Roevick.

Hindi ko siya pinansin, nakatutok lang ako sa babae.

Hindi pa maalis yung titig ko sa kanya, siya na kaya?

"Ay nga palaAllen si Chel nga pala" napalingon yung babae.

Yung babae..

H-hindi  siya yung ........hinahanap ko.

Malayo ang itsura nito.

"Uy, Ayos ka lang?" Singit ni Kyle.

"Ah,oo ayos lang ako, akala ko kasi ano.. A-akala ko, haysht!" Naisigaw ko yung huling salitang binitawan ko.

Bat ba ako nanghihinayang!? 

Padabog akong umupo.

"A-aalis na muna a-ako. "Sabi nung.. Che? Chel? Whatever.

"Wala ka pang limang minuto dito ah." Banggit ni Arvene "Natakot ata kay Allen, Tss,Hoy Bro!" Sabay siko sa akin ni Josh.

"Sorry,sorry...Chel right?" Paghihingi ko ng tawad. Medyo umaliwalas ang mukha nito, totoo nga atang natakot sa akin.

"O-oo,tama ka,Chel nga."pautal-utal niyang sambit sa akin. Naupo uli siya at nanahimik.

Bakit nga ba siya nandito?

"A-ahmm, pinapunta ako dito ni Sir Reynor dahil may aasikasuhin akong isang member ng Phantoms, pero bago ko gagawin 'yun,  pwede bang magpakilala muna kayo?" Tuloy-tuloy niyang sinabi. Nagkatinginan kaming anim nang may nabanggit siyang may aasikasuhin siyang isa sa amin.

Bakit kaya at para saan?

Magpapakilala pa kami, hindi niya kami kilala?

"Hindi mo pa kami kilala?" Sabi ko sa kanya, ginantihan lamang niya ako ng ngite. Well..."Allen Jay Geneva, Lead Guitarist ng banda" pagpapatuloy ko na ikinagulat naman nung Chel.

"Kyle Robles,ako yung drummer" pagsunod ng isa sa mga tropa ko sa akin. Tumango-tango naman yung babae.

"Josh Cabal,ako lang naman yung pinaka gwapo dit--"naputol naman ang mga sinasabi ni Josh ng biglang tinakpan ni Arvene yung bibig nito "Pasensya na mapagbiro ang isang 'to, Arvene Misola, vocalist ako pati din itong ugok na ito"pagpapatuloy ni Arvene at inalis na ang pagkakatakip sa bibig ni Josh.

Unang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon