The Contract

1.4K 24 11
                                    

Allen's POV
Simula ng malaman namin na mayroong dadagdag sa banda, hindi kami mapakali.

Si Arvene walang imik pero halata sa mukha niya na sasabog na dahil sa galit.

Si Derk nag-iisip nang sobrang lalim at inaalam kung bakit ba may idadagdag sa amin.

Sina Josh at Kyle naman tahimik lang at pabalik-balik na tinitignan si Arvene.

Si Roevick, Parang wala lang sa kanya na may mapapamiyembro sa banda.

Ako? Halata naman inoobserbahan ko galaw nila.

"Okay! Up up gather around" napabalikwas kaming lahat nang marinig namin ang boses ni Sir Reynor na kakapasok lang sa studio. Bago pa man makatayo nagkatinginan muna kaming lahat.

"Hurry up, Phantomsat tuluyan na kaming naglakad patungo sa kinaroroonan ni Sir Reynor.

"Sir, totoo po ba na---" natigil sa pagsasalita si Josh nang takpan ni Sir Reynor bibig nito.

"Pinapangunahan mo na naman ako eh, makinig ka kaya muna sa sasabihin ko" sambit ni Sir kay Josh at nagsitawanan naman sina Roevick at Kyle pero tumigil rin sila.

"So, narinig niyo naman na may mapapamiyembro sa inyo diba? Hindi ko na pinaalam sa inyo nung una dahil alam kong kapag nabanggit ko pa lang ang salitang babae..." Tumigil sa pagsasalita si Sir at tumingin kay Arvene. "May hindi na agad papayag sa desisyon ko. Sorry no sorry. I already made up my decision, Aciel is signing the contract later. Here." at tinanggap ang pagkakatakip nang kanyang kamay sa bibig ni Josh.

"So Josh, ano uli itatanong mo?" Tanong nito. Umiling na lamang si Josh dahil siguro nakuha na niya 'yung sagot sa mga sinabi Kanina ni Sir.

"Eh bakit kailangan babae pa ang kukunin mo? Hindi ba awkward para sa kanya na puro lalaki ang makakasama niya during rehearsals and gigs? O baka naman shitty siya kaya pumayag." Ow. Ayan na si Arvene. Umaandar na naman ang pagka trash talker niya.

"Alam mo, Arvene, hindi naman lahat ng babae pare-pareho. Kung nasaktan ka ng dati mong girlfriend just accept the fact na wala na kayo at kung ako tatanungin mo hindi naman siguro 'yun makikipaghiwalay sayo kung hindi ka nag kulang sa kanya. Hindi lahat ng babae ay tulad ng iniisip mo."sambit ni Sir kay Arvene. Hindi na umakmang sa sagot pa si Arvene dahil alam niyang talo na siya dahil una pa lang ay sapol na siya. Pero nagkakapagtaka talaga eh. Bakit ba kasi Babae ang kinuha ni Sir eh kung pwede namang lalaki.

Unang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon