Meet up

259 3 0
                                    

"Hi I'm Aciel nice to meet you all" bati niya sa amin.

Hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harapan ko, pero may kakaiba sa akong nararamdaman, ibang-iba ang dating niya sa akin kesa nung unang kita ko sa kaniya. Siguro dahil pangalawang beses ko ng makita siya kaya ganito.

"Hi ako si Josh, nice meeting you too" Lumapit siya kay Aciel at nakipagkamay, agad din namang hinawakan ni Aciel ang kamay ng Unggoy. Narinig ko naman ang patagong tawa ng tatlo sila Kyle, Derk at Roevick. Napatingin naman sa akin si Josh at ginantihan ko naman siya ng Udang-mo-look at napangisi naman siya. Binitawan na ni Aciel ang kamay ni Josh dahil mukhang nailang sa pakikpagkamayan.

Nagulat ako ng magka-eye to eye kami ni Aciel kaya iniwas ko agad ang tingin ko. Sumenyas si Sir Reynor na umupo muna kami. Si Chel umupo sa kabilang side at ang bakante na lang na upuan ay yung sa gitna at sa tabi ko. Nakatayo pa din si Aciel hanggang ngayon.

"Ahm Miss" tawag ko dito at tumingin siya sa akin "Tabi na lang tayo" pagpapatuloy ko, dahan-dahan siyang lumakad papunta sa direksyon ko at umusog ako ng kaunti para makaupo siya. Nginitian niya ako.

"Salamat, nakaeewan naman 'yung miss haha, Aciel na lang." banggit niya sa akin ng nakaupo na siya. Sabagay nagpakilala naman na siya tapos tinawag ko pa siyang Miss.

"Ako nga pal-" natigil ako sa pagsasalita ng nagsalita din si Sir Reynor.

"So Aciel, nabasa mo naman na itong kontrata diba at ang hinihintay na lang namin ay ang pirma mo" sabi ni Sir Reynor kay Aciel. Ngumite naman si Aciel at tumango. 

"Sorry, medyo nahihiya pa ata si Aciel, Sir" banggit ni Chel "Sa una lang 'yan pero ibang-iba na siya kapag nakilala niyo ng husto" pagpapatuloy nito.

"Ganon ba, huwag na nating patagalin pa, let's sign the contact" at pinangunahan na ni Sir Reynor ang pagpirma na sinundan din ni Aciel at ng matapos ng pirmahan nagulat kami ng biglang pumalakpak si Chel.

"Sorry, na-excite lang talaga ako hehe" sabay tayo ni Chel at pumunta kay Aciel at niyakap ito.

"Dahil nasabi ko naman na lahat sa'yo ang dapat sabihin, iiwan ko muna kayo para magkakilala na kayong grupo, boys behave lalo ka na Josh" at tinuro pa ni Sir si Josh at umalis na kasama si Chel.

Naiwan kaming pito sa meeting room

"Welcome to Phantoms, Aciel" sabi ko ng nakangiti at naglahad ng kamay "Ako nga pala si Allen" pagpapatuloy ko, kinamayan niya din ako .

"Allen" banggit niya upang klarohin kung tama ba ang dinig niya. Tinanggal ko na din ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay. Natatandaan pa kaya niya ako? Hindi na siguro dahil madilim at mauulan nung gabi na 'yun.

Kawawa naman ako.

Lumapit naman sila Kyle, Derk, Roevick upang magkipagkilala kay Aciel. Si Arvene? 'wag nang aasa na makipagkamay 'yan.

"Hi Aciel, ako si Kyle at ito naman si Roevick" sabi ni Kyle at sabay turo kay Roevick na nakangite.

"Nice meeting you Kyle and Roevick" sabi ni Aciel at mabilis na nakipagkamayan sa kanila.

Napatingin si Aciel kay Derk, bumakat sa mukha niya ang pagtataka, lumapit siya kay Derk at kinilatis ang mukha, si Derk naman napaatras dahil sa giniwa ni Aciel.

"Shookt!" napatakip ng bibig si Aciel. Nagkatinginan kami nina Kyle, Roevick, at Josh, nagtataka kami kung bakit ganon ang naging reaksyon niya.

Ngumiti lamang si Derk at kinawayan si Aciel "Long time no see, klasmeyt!" 

Magkaklase sila? eh magkaklase lang din naman kami ni Derk. Paano nangyari 'yon? Masyadong tahimik si Derk at bihira lang magkwento sa aming tropa. Sa ekspresyon ni Roevick parang wala din siyang ideya na magkakilala itong dalawa.

"Excuse me, Ako si Arvene Misola, ayaw ko ng maingay at maarteng babae." sabat ni Arvene na katatayo lang. Magsasalita sana si Aciel kaso dire-diretsong naglakad si Arvene palabas.

"Takas mental ba 'yun?" tanong niya sa amin. Tumawa lang kami at nakitawa lang din siya.

Nagkakwentuhan kami at nalaman namin na kaklase pala ni Derk itong si Aciel sa middle school. Sinampulan din kami ni Aciel ng kanta. Grabe natahimik kami at naengganyo sa mala anghel niyang boses. Walang duda kung bakit siya ang kinuha ni Sir.Bukod sa maganda at magaling kumanta, matalino din siya sabi ni Derk na dine-deny naman ni Aciel.

Marami pa akong kailangan malaman kay Aciel. Gagamitin ko na lang ang pagiging bandmate ko para makilala siya nang lubusan.

"So Aciel, ready ka na ba sa debut mo?, ipapakilala ka na officially sa public" tanong ni Derk kay Aciel na ikinatahimik naming lahat.

Isang linggo lang ang preparasyon naming banda, for sure malaking adjustments 'to pero kakayanin para sa ikauunlad ng Phantoms.

Pero sa tingin ko naman, makaka-catch up siya dahil sa galing niyang kumanta, kahit anong genres ata kaya niya.

"Oh ano guys, pahuling salita na natin kay Aciel oh! Tawagin mo nga Kyle si Arvene" utos ni Josh. Agad namang lumabas si Kyle para tawagin si Arvene at ng makabalik na silang dalawa, pumwesto na kami.

"Woah, ano 'to?" curious na tanong ni Aciel, walang umimik sa amin, nakatingin lang kami sa kanya nang nakingite.

"Guys, ang creepy ng smile niyo" dugtong pa niya.

Sumenyas na si Josh para umpisahan.

" 1...2...3... Hey!
Welcome, Hey Hey!
Welcooooome~
W.E.L.C.O.M.E.
Welcome heyyy!"

Nanlaki naman sa gulat si Aciel ng banggitin namin 'yun. Natawa na lang kami sa naging reaksyon niya, napaka priceless.

Pumasok na uli sina Sir Dial at Chel sa room kaya bumalik na kami sa seats namin pero this time ang katabi ni Chel ay si Derk hanggang matapos ang usapan sa pagka-clarify kay Aciel ng mga dapat niyang gawin as a Phantom.

Aym brokee.

"Aciel, first day bukas ah." Paala ni Sir Reynor bago ito tuluyang umalis. Hindi ko na nagawang magpaalam sa kanya dahil sinamahan na siya ni Derk palabas ng studio.

What a small world. Hindi naman dapat pagkaselosan 'yun dahil walang kami. Pero kasi, hinalikan niya ako..hinalikan talaga niya ako.

Kailangan ko ng kumilos. Start na bukas!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon