Siya kaya?

2.5K 25 15
                                    

"Oh pre, bakit ganyan ang itsura mo,mukha kang ewan!" Bungad ni Roevick sa akin. Totoo namang mukha akong ewan, dahil basang-basa ako, para akong sisiw? Ano tawag doon?

"Para kang basang sisiw! Hahaha!" Ayun! Basang sisiw. Tss. Sige lang. Tawa pa.

Nakayakap ako sa aking sariling katawan, partida nanginginig pa ako.

"Baka gusto mo akong pahiramin ng twalya ano?!" Pagsusungit ko dito. Agad naman siyang kumilos para kumuha ng twalya.

Ilang segundo lang para siyang si 'The Flash' na agad-agad na sumusulpot.

"Oh!" Sabay hagis niya ng twalya sa akin at sa gulat di ko nasalo.

"Ayusin mo naman!" At pinulot yung twalyang nasa sahig.

"Ikaw na nga lang nanghihiram eh" Okay. Pikon na siya. Natahimik na lang ako,may point din naman siya pero bisita niya ako noh!

"Ganyan ka mang entertain ng bisita, so bad." Aniko.

Sinamaan niya ako ng tingin at ginantihan ko naman siya ng ngisi.

Padabog siyang lumakad patungo sa sala at umupo sa sofa.

"Ano ba kailangan mo at nandito ka? wala pang pasabi!" Tanong niya sa akin habang nanonood.

Mukhang nasira ko ang gabi niya.

"Emergency, basang-basa ako, hindi ko dala yung kotse at saka wala akong payong at isa pa binigay ko yung jacket sa babae na bigla na lang... " napahinto ako sa pagsasalita at napanginiti na lang.

"Babae? Ano na,nang biglang?"naintriga ata tong mokong na ito. Sorry pero bawal ko pang sabihin.

"Ah, wala, nakalimutan ko na!" Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ng Mokong.

"Pabitin,putang ina!"aba nagawa pang magmura pero di ko masisisi.

Natulala na lamang ako habang inaalala ang pangyayari kanina.

Ang maamo niyang mukha, straight na itim na buhok, ang kaniyang mga mata, at.. At yung labi niya..

At that time hinawakan ko ang labi ko at napangiti.

Geez, tinamaan na talaga ako.

*click*

Nakarinig ako ng tunog ng camera. Nabaling ang atensyon ko kay Roevick.

"Fuck off, Dude." Saway ko dito at wala siyang pakealam at busy sa pagkalikot ng kaniyang cellphone.

Tumayo ako ng tumigil siya sa ginagawa niya.

"Uuwi ka na? Buti naisipan mo" walang kwentang tanong. Hindi ko siya pinansin at naglakad papunta sa pintuan.

Unang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon